Fri 13 Jun 2008
Di muna ako makakapag-post ng something dito. Di ko nga alam kung magpo-post pa ako ng mga something. Parang nauubusan na ‘ko ng ikuwe-kuwento. Isa pa busy ako ngayon. Sobra. But I will come back.
Ok. Bye for now.
Fri 13 Jun 2008
Di muna ako makakapag-post ng something dito. Di ko nga alam kung magpo-post pa ako ng mga something. Parang nauubusan na ‘ko ng ikuwe-kuwento. Isa pa busy ako ngayon. Sobra. But I will come back.
Ok. Bye for now.
Mon 26 May 2008
Nu’ng nag-resign ako di ko binanggit dito ‘yung reason. Ngayon babanggitin ko na: Sasama na dapat ako sa nanay ko sa US. Hindi ko binanggit kasi feeling ko mauudlot na naman kapag binanggit ko dito. Dalawang beses na kasi naudlot ‘yung NYC trip ko noon. ‘Yung una eh ‘yung supposed to be OJT ko. Di natuloy ‘yon dahil nga may P25,000 na babayaran (at di na puwede bawiin) ma-deny man ‘yung Visa o hindi. Then ‘yung sumunod eh ‘yung may nag-offer ng scholarship mula sa NYU. Di din ‘yan natuloy dahil uhm, it’s too good to be true. Di ko din sure dati kung scholarship ba sa NYU o scholarship sa school ko dito sa Pinas. Either way would have been great pero di nga natuloy. Kaya what the heck di ba?
Ngayon di na naman tuloy. Nu’ng nag-usap-usap kasi kami ng husto nang dumating si mama (galing US) at kuya (galing SG), napag-desisyunan namin na wag na muna ituloy dahil erm, maraming risks involved (kung do’n na ako titira ngayon) na lumitaw nu’n ngang nag-usap-usap kami. Di ko na sasabihin dahil sa amin na lang ‘yon. Bilang consuelo, pupunta pa din naman ako sa US this December 2008 pero para mag-tour lang. Then babalik pa ‘ko. Then saka na itutuloy ‘yung immigration plan.
Pero ‘yon nga, nakaka-guilty tuloy na nag-resign ako kasi parang iniwan ko ‘yung team ko sa ere. May project pa kasi ako at that time at isa ako sa inaasahan sa pagve-vector at pag-a-animate. Sayang din ‘yung mga naka-close ko do’n (though kung iisipin ko, okay lang kasi parang unti-unti silang nag-alisan do’n, hehe). At kawawa ‘yung naiwan ko na isa pang Graphic Designer na friend ko din since sa kanya natambak lahat ng naiwan kong work.
Pero overall, di naman ako nanghihinayang sa resignation kahit na di pa natuloy, for the mean time, ‘yung original plan. For one, nakagawa ako ng libro habang wala akong ginagawa. And I can’t believe that I will be a published author soon. I never thought na mache-checkan ko na agad ‘yung “Write a Book” sa “Things to Do Before I Die” list ko. I’m really so freaking happy. Tapos nakapag-spend pa ako ng maraming time kasama si mama habang bum ako. Puro kami lakwatsa. Paulit-ulit kami sa Robinson’s Galleria at Megamall.
Isa pa, may job na ulit ako sa isang IT outsourcing company na malapit lang sa bahay (well, mga 30 mins. away unlike Makati na 1 hour and 30 mins. away). The pay is the same sa previous work ko pero di actually fixed ‘yung salary. It could go higher daw according kay new officemate na may friend na do’n din nagwo-work. So di na talaga ako nanghihinayang sa nawala kong work sa Makati. Kung di nga lang dahil sa friends ko do’n (na di din naman actually karamihan).
BTW, sasali din pala ako sa Toyota Art Edge Contest na binanggit sa akin ng officemate ko dati. Hello? P25,000 consolation prize pa lang. Ang maganda, 20 ‘yung bibigyan nila ng consolation prizes. Kahit do’n man lang, sana makasama ako. Sana lang talaga maging busy lahat ng graphic artist sa Pinas hanggang June 15 para mawalan sila ng time gumawa at mga 20 something lang ‘yung sumali. Wahaha.
Di ko pa din alam kung kelan ako babalik sa dati kong style ng pagsusulat dito. I kind of miss my old self. My old overanalyzing cynical self. Pero masaya naman maging normal. Wala ng sleepless nights dahil lang sa ini-isip ko kung sa’n ‘yung dulo ng universe. Kung di man ako makatulog ngayon, dahil na sa mga normal problems, like pa’no ko malalaman ‘yung SSN, TIN, Pag-ibig, at PhilHealth number ko. Sana gumawa na lang kasi sila ng isang number para sa lahat ng ‘yan e!
Okay, what an aimless entry. Sheesh.
Fri 9 May 2008
Fri 2 May 2008
Simula kahapon, gumawa ako ng mga sample print advertisements para mailagay ko sa portfolio ko. Puro lang kasi illustrations ‘yung nasa portfolio ko at kadalasang hinahanap ng mga job seekers eh ‘yung graphic designer na marunong sa layout. Wala din kasi akong magawa kaya napag-trip-an ko. Ito ‘yung isa sa mga ginawa ko kanina:

Ito ‘yung isa sa favorite ko kasi parang eksakto lahat. Actually, iclo-close ko na ‘yung Illustrator no’n tapos biglang nu’ng nakita ko ‘yung minimize button, ayon sumagi sa isip ko na mukha s’yang cigar. Kaya ‘yon, ginawan ko na din ng role ‘yung ibang buttons. (For the uninitiated, ‘yung nicotine patch eh dinidikit sa skin ng mga gustong mag-stop mag-yosi para makatulong sa paghihinto ng cravings.)
BTW, imbento lang ‘yung NicPatch na brand.
Mon 28 Apr 2008
‘Yan lang. Di ko alam kung kelan ulit babalik ‘tong blog sa dati. Feeling ko kasi naging journal na s’ya talaga in a way na sinasabi ko na lang mga nangyayari sa buhay ko at ni wala man lang kung anong realizations. Siguro malapit na. Ewan.
Wed 16 Apr 2008
‘Yan ‘yung mga dahilan kung ba’t di ako nakakapag-update lately. Mini-hiatus muna ako. After ng kasal (IOW, next week) saka na ulit ako magu-update ng maayos.
Fri 28 Mar 2008
Ito sana ‘yung gusto kong maging itsura nu’ng libro pag na-publish. Again, di ko alam kung mapa-publish pero dahil sa Graphics Designer ako, napag-tripan ko lang gumawa ng book cover:

Kunyari lang ‘yung pseudonym at subtitle. Hay. Ang hirap humanap ng book publisher dito. Nagpunta ako kanina sa Powerbooks at kung di puro devotional books, pang-Filipiñana section ‘yung pina-publish ng karamihan sa publishers (may relevance sa politics, sa mga pagsakop ng Amerikano, etc.). The heck naman. Walang ka-relevancy, relevancy ‘yung gawa ko sa kahit ano do’n. It’s just random observations and thoughts about anything I fancy.
I don’t know if the Powerbooks staff found me suspicious. Kasi puro first pages lang nu’ng mga libro tinitignan ko tapos may tina-type ako sa phone ko after. Ang tagal ko pa sa Filipino Lit section.
Anyway, gagawa muna ako ng book proposal sa ngayon kasi the rest of the publishing houses eh kelangan na ng book proposal (di kagaya do’n sa isa na diretsong buong manuscript). Boohoo.
Thu 27 Mar 2008
Na-reject ‘yung libro ko ng isang publishing house. (I submitted it yesterday night, ambilis ‘no? Na-proofread na kasi nu’ng English teacher yesterday afternoon so sinabmit ko na.) Ito ‘yung rejection letter n’ya:
I’ve read through some of your short essays and like them. You can write well.
Unfortunately, there are too many books of personal essays in the bookstores right now and the small market of readers in English (only 1/3 of book buyers) is saturated. Many of the [the publishing house’s name] books of this type are selling very slowly and, thus, are losing money. [Title of one of their essay anthologies] is one of them.
I’m sorry, but I have to reject your manuscript for this reason. You should try another publisher.
Di naman ako ga’no na-hurt kasi at least nagustuhan n’ya. Tsaka naiintidihan ko na publishing is a business. They’re taking a risk kasi mag-i-invest sila ng pera sa paggawa ng libro. Pag napansin nilang di bumebenta ‘yung gan’tong klaseng genre, di sila magta-take ng risk.
Isa pa, even “Harry Potter” has been rejected a dozen times. Even Dr. Seuss’s books. At marami pang authors. So di talaga ako mawawalan ng pag-asa. The problem nga lang eh ang daming UK or US publishing house. Dito apat lang ang alam ko. Ngayon tatlo na lang natitira. Ayoko pa do’n sa isa kasi parang bara-bara sila mag-publish ng libro. I’ve seen one of their books sa bookstore at baliktad ‘yung pagkaka-print nu’ng laman. It’s not “Bakit Baliktad Magbasa ang mga Pilipino” ni Bob Ong, okay? It’s a different book. ‘Yung ibang libro na ‘yon, tama ‘yung pagkaka-print pero may isa na baliktad (same title). Tsaka I’ve read na di nila pinu-proofread ‘yung iba nilang books dahil bumaba daw sales nila nu’ng inayos nila ‘yung writing. Weird.
Kung may alam ka pa na ibang book publisher, it might help. I will go to the bookstore right now at titignan ko ‘yung Filipino Lit section. Baka makakita ako ng iba pang publisher na puwede kong pag-submitan ng manuscript. Wish me luck!
Fri 21 Mar 2008
Ewan ko kung coincidence lang pero natapos ko ‘yung libro this day. Good Friday indeed.
Ang problema ko lang ngayon eh kung sa’n ako hahanap ng proofreader or editor. Di naman kasi ako magaling mag-proofread. Mga obvious na grammatical errors lang nakikita ko pero pag dating sa pagni-nitpick nu’ng di ga’no obvious na mali sa grammar, baka marami akong di nakita.
May kilala ka ba na puwedeng ma-hire sa cheap lang na price?
Edit: May nakita na akong magpro-proofread at willing s’yang gawin ‘yon for free. He’s an English teacher who lives at Pennsylvania. Wahaha. Heaven sent.
Prinint ko ‘yung buong manuscript at itatago ko muna sa drawer for 5 days. Then after 5 days, babasahin ko ulit at if every may nakita akong mali, babaguhin ko ulit. Nabasa ko kasi na manuscripts mutate somehow pag matagal-tagal mong di nabasa. ‘Yung discontinuities at clutter, mas mapapansin. So ‘yon. Pag wala na talaga ‘ko makita, saka ko na ibibigay sa kanya.