April 27, 2005

Blender Update

Blender update muna (click thumbnails to enlarge):

Lahat 'yan may tutorial (hence not my original concept), except the first one. Kung may blender ka I'd be more than willing to give you a copy of the tutorial.

Mga Mukha

Sa totoong buhay alam mo ba kung ano agad ang nakikita mo sa isang tao? Of course 'yung pisikal, 'yung nahahawakan. Kaya naghahanap ka minsan ng lalim. Pero sa blogosphere, baliktad, it's the inner-self that we see first before the corporal self.

At iyon ang naghantong sa 'kin para tanungin ang mind-blowing question na, "Ano kaya itsura n'yo sa personal?"

Di nga. Don't tell me di mo 'yon na-isip kahit minsan? There are a few na may pics, but even pics pale in comparison to the real thing. Naks parang mga artista -- may ano-kaya-itsura-sa-personal  factor.

Wag kang mabahala dahil cute naman ako in person. BIRO LANG (though I have to say jokes are half-meant so ibig sabihin half-cute ako, how does that translate? anyway).

Ano nga kaya itsura sa personal nila ehem, *points to my link list*? Pati na lahat ng nakaka-interact ko sa net? Hmhm.

Truth is, walang ni-isa sa mga nasa links ko o mga naka-interact ko dito ang kilala ako sa totoong buhay. So that means lahat kayo feeling close lang. Hahaha, siyempre vice versa.

If it were real life, papansinin niyo kaya ko (bet P1.00 you won't)? Ay hinde, dapat ko pala munang tinanong eh kung magkikita nga kaya tayo ever in person (I was close to meeting Ayel though, I've seen her in person but I didn't realize it was her)? O hanggang cyberworld na lang, faceless, intangible, vague?

Bagong Raket

Contrary sa title hindi po ito raket. Safe 'to, walang catch at hindi pyramiding. 'Yon ang sinabi nila sa'kin, na sabihin ko daw sa'yo ngayon para sumali ka. Yep that's true $270 a month. 'Cause in a day you could earn $9 or much much more just by doing this simple online job. Yes a JOB.

Seriously, I won't bite something na alam kong kakagatin ako in return. It pays not to be skeptical sometimes. Believe me (though kung skeptical ka nga talaga di ka din maniniwala sa'kin, in which case, bahala ka sa buhay mo, hehe).

I'm a skeptic too. Di mo lang alam kung ga'no ako na-sh-shy sa ginagawa kong 'to. Na-vi-visualize ko na nga ngayon ang smirk in your face. But then mukha mo, hahaha, marangal naman na trabaho 'to so ba't ako mahihiya? Err, sounds familiar.

Ito ang dahilan kung ba't may ad sa baba na nagsasabing i-email mo ko in case you're interested. E-mail na: ava.square@gmail.com (or comment here if you like w/ your e-mail add)! *winks*

Mini bilyaran


  April 23, 2005

Gusto Kong Pumuti

Nagpabili na ako ng sabong pampaputi. 'Yung Likas Papaya, nakakaputi daw eh.

Di ito pagpapaka-can't-accept-what-God-has-given-me. Ang gagawin ko nga actually ay pabalikin ang dati kong kulay na pinaitim ng araw at swimming lessons namin last-last sem. Di na kasi pantay e.

Dalawang klase ang pagpapantay na naisip ko, pagpapaitim lalo o pagpapaputi nga gamit ang Likas Papaya. Dahil nga medyo maputi naman talaga akong pinanganak, edi du'n na lang ako.

Anyway, ang mga vain, sa tingin ko ay yung mga nagpapaputing inborn namang maiitim. Tulad ni Michael Jackson. Look at what happened to his face. Horrid.

Sana nga pumuti ako. At sa susunod na magbibilad ako sa araw, magsisipag na 'kong mag-sunblock.

Ang Bagong Pontiff

Pope Benedict XVI
  
Pope Benedict XVI. Ambilis at unexpected (for me). Ine-expect ko kasing hindi galing sa mga fore-runner ang bagong Pope. Anyway, nand'yan na e.

He's the second Pope of my lifetime. Unang beses ko ding maka-witness ng conclave climax, astig. Parang gusto kong kantahin 'yung This is the moment....

Oo, aaminin kong hindi gano'n kaamo ang mukha ni Ratzinger (his lastname even sounds awkward). But then, wala naman 'yong relasyon sa mga magagawa niya, so I'll drop it. In a way meek din naman siya tignan. At ayoko munang mag-comment sa mga negative notions patungkol sa kanya.

He's innocent until proven guilty kung baga. Sa ngayon titignan ko muna 'yung mga positibo - matalino, magaling na guro, magaan kasama, maprinsipyo at mabuting tao (weird for a pessimist oh well).

IMHO, nasa tamang konteksto din naman ang stand n'ya on certain issues tulad ng abortion, female priests at homosexuality. Mas nakakatakot naman siguro kung for ang stand ng bagong Papa. Lalo na kung kinukompormiso niya ang mga doktrina ng simbahan just to yield to what the liberals want.

I just hope he'll live up to what he purports to be, a conciliator and a blessing. Anyway, tignan na lang natin.

Postscript: Image courtesy by cnn.com.

Adsense May Sense?

Triny ko na ding maglagay ng Adsense. Kumikita daw dito ng almost $200+/month ang mga kilala't visitor-enticing websites (my brother's friends attest to that). As for me, baka pambili lang ng Pop Cola ang kitain ko sa loob ng maraming buwan. Namulot na lang sana ko ng barya dito sa bahay, kung gano'n, mas marami pa.

Anyway, hindi 'yon mangyayari kung MAY MGA MABAIT LANG NA MAG-C-CLICK NG AD sa lower right. Hindi kita pinaparinggan.

Postscript: Punta ka sa Adsense website kung di ka maka-relate sa pinagsasabi ko. Sa ngayon puro PSAs pa ang nakukuha ko, kaya alternate ad ng Clicksor ang lumalabas.

Mini bilyaran


  April 19, 2005

Belat!

Lay's Stax's Bet   
May nakasulat na "Becha Can't Eat Just One!" sa cylindrical container ng Lay's Stax. And I proved whoever-thought-of-that wrong. I ate just ONE. Pa'no 'yan? Haahahahaha!
Masamang Imahe

Blah-blah-blah. Ashusheshushs. Kesyo parati na lang daw akong nag-iinternet. Masama daw 'yon. Blah-blah-blah. Ashusheshushs.

Pa'no, may prejudice kasi ang pagtingin ni taytay at ni kuya sa pag-iinternet. Oo hindi lang tao ang nahuhusgahan ah, mga bagay din.

Anyway, ano ba ang ginagawa ko pag naka-online? Nagbabasa. Nagbabasa. Nagbabasa. At nagbabasa. Sige nga ano ang masama sa pagbabasa?

Por que computer ang medium ko sa pagbabasa, masama na. What the?! Dahil ba may radiation?

Well, I figured it out. Sa internet kasi, anything is accessible. From naked bodies to eerie Satanic cults. Iniisip siguro nilang mga gano'n ang trip ko. Heck?! Hubad na katawan, ano naman ang gagawin ko sa mga 'yon? Perverted, I am not. At Satanism? Please. Di ako naniniwala sa kanya.

Hay, wala siguro silang tiwala sa'kin.

Search Results

Google:
o kwento sa buhay ni pope john paul II
o mga larawan at kwentong pambata (huh pambata?! lol)
o "i have looked for you" "April 1, 2005"
o lindol sa 2005
o me dot inside

Yahoo
o ng porn (rotflmao)

Look at that! I admit na medyo mahaba ang ginawa kong tribute sa pagkamatay ni Pope no'n, so acceptable, but porn?! Hahaha. Sa dinami-daming site na may salitang porn, napadpad pa, kung sino man ang nag-search no'n dito sa site ko. Poor dude, na-disappoint 'yon tiyak.

Kung tutuusin, lahat ng napadpad dito mula sa mga search engines, kawawa. Wala naman kasi dito ang full coverage ng mga pinaghahanap nila. Anyway, sana nga sa susunod, nandito na.

At any rate, isa lang naman ang pinu-prove ng mga 'yan e -- naka-list na ulit ang site ko sa Yahoo! at Google. Salamat.

Mini bilyaran


  April 16, 2005

Kung Kaya Ko Lang

Gusto kong mabago ang mundo, is that too ambitious a dream?

Andami nang nag-attempt na mabago ang planetang 'to, some for the better, others for the worse. Lahat sila, sigurado ako, nangarap lang din gaya ng ginagawa ko ngayon. Ayokong kasing isiping pinanganak lang ako para magpasikip lang lalo sa masikip na nating planet Earth. I definitely wan't to contribute to its betterment. Aba'y sino bang hinde?

Still alam kong malabo itong mangyari. Una, pessimistic ako, halata naman di ba (actually ito ay sapat na to disqualify me, though sige itutuloy ko pa din).

Pangalawa, wala akong karisma. Para mabago ang mundo, kelangan marunong akong magpasunod ng mga tao. Pa'no ko naman gagawin 'yon kung isang malaking I-N-T-R-O-V-E-R-T ako?

Pangatlo, ayoko ng kaaway, pahihirapan lang nila kong matulog sa gabi. I know I can't avoid criticisms but I COULD avoid enemies. At hindi 'yon mangyayari kung may pagbabago akong gustong ma-happen.

Pang-apat, madali akong mainip. Changes occur within a lifetime. But some changes only take place after the person-who-wants-to-make-a-difference's death. Ayoko ng gano'n, gusto kong makasiguradong may nagbago, so kelangan buhay pa ko to witness it.

Panglima, wala yata akong wisdom (di sure e 'no?). Dahil nga wala akong wisdom, di ko ngayon alam kung ba't nasabing kong wala akong wisdom.

Pang-anim, hindi ako gano'n ka-focused. Maari ngayon gusto kong baguhin ang mundo, mamaya lang, ayoko na. Pampito, pangwalo, pang-siyam... so many.

Yeh, yeh, I heard it already, "You could change the world in your own simple way." Ows? Siguro in my own simple way, mababago ko ang sarili ko, o ang tatay ko o ang kaibigan ko, o sige, try ko pati subdivision namin, pero the whole world?! No. To change the world is definitely not simple task.

Currently, frustrated person-who-wants-to-change-the-world ako. And yet, proud akong may pakialam ako. At least. Pero dahil nga sa mga nag-uumapaw na disqualifications, naisip kong... pampasikip nga lang siguro ako. Huhuhuhu.

Bwisit Na Error

Dumating na 'yung package kasama 'yung dating N6600 ni mama, dahil du'n napunta na nga sa'kin 'yung lumang N7650 ni kuya (dahil sa kanya napunta 'yung N6600). Pasa-pasa.

At dahil capable na 'yung phone ko ng .wav tones, triny kong mag-download sa myGlobe WAP site. Eksakto, may Star Wars tones. Yehey!

Actually nagpa-pasa load pa'ko no'n para lang umabot sa 25 ang load ko. Gusto ko lang talaga na si R2D2 ang maririnig ko pag may nagte-text. Star Wars fan e (pinagpipilian ko siya o 'yung Darth Vader breathing, nu'ng una).

But this icky error message suddenly appeared: General: System Error followed by Recorder: System Error. And I don't know *hit what they mean. Ang masama pa niyan, nabawasan na 'yung load ko pero wala pa ding R2D2 (may 24 hrs. leeway pero natapos na 'yon may error pa din).

Naka-ilang tawag na din ako sa 211 pero lahat ng sinabi nilang solusyon ay hindi effective. Hanggang sa tinamad na'ko't hinayaan ko na lang maglaho ang P25. But not R2D2.

Naisip kong may recorder nga pala telpon ko. Kaya 'yon, punta ako sa TV, in-insert ko ang Star Wars DVD at inabangan ang solo beeping sound ni R2D2. Pero dahil sa epal na C-3PO, wala din akong nakuhang matinong R2D2 sound.

Dahil diyan sa internet na lang ako naghanap. At tada! Meron nga, life-saver. Di lang R2D2 nakuha ko, may Darth Vader pa't "May the force be with you, always" ni Obi.

Mini bilyaran


  April 13, 2005

Pahabol

You were redirected.

Nagpalit kasi ulit ako ng URL, ngayon-ngayon lang, ito na po 'yung bago:

http://medotinside.info/

Paikli nang paikli. Mawawala na kasi 'yung sa eWIkIs e.

Pero kailangan ko munang pasalamatan ang nag-offer ng free domain hosting na 'to (as long as it lasts). Alam mo na kung sino ka. God speed!

'Yun lang. Sa mga nag-link sa'ken, papalit na lang ulit. Pasensya na.

The Making

Maya Sample   
Inabot ako ng dalawang (2) oras bago matapos ang landscape sa kaliwa. Um-hm, ako gumawa niyan.

Ang ginamit ko ay Blender, isang freeware 3d animation soft - ware na pu - wedeng halukayin sa Google.

Pero Maya talaga (along with other high-ticket counterparts) ang ginagamit sa mga pelikula tulad ng Monsters Inc. 'Yung tig-i-isang libo't siyam na raan siyamnapu't siyam na dolyar. May reklamo ako... ang mahal niya. Pero ayos lang kasi meron kami niyan. *grins evilly*

Kung ayaw mong maniwala, mahina ang faith mo dahil nalimutan mong may piracy. Yet I feel guilty. Buti sana kung cd ng kanta binili ko e tig-P300 lang naman orig no'n. E eto?! Para na din akong nagnakaw ng kotse o ng high-end PC o ng HDTV! Susko po.

Pero di ko na problema 'yon. Nagpapaka-practical lang naman ako (excuses). Kung meron ba namang Mayang tig-P120 ba't naman ako bibili nu'ng tig-P120,000?! Sira ba ko?

Eniwey, nandiyan na nga 'yung lapis at papel, sama ko na din ang miryenda, ang lagay di naman ako marunong mag-drawing. Magsusulat na lang ba 'ko? (Figuratively speaking)

Hindi naman sila nag-magic para magawa si Nemo. Talent, creativity at kaalaman sa 3d modeling and animation ang mga pinairal nila, which unfortunately, wala ako nung isa ('yung kaalaman sa 3d modeling and animation). Ano ba 'yan, kung ano pa 'yung madali, tsk, 'yun pa 'yung wala ako. *blown away by a vehement storm*

Kaya sana, kunin na ni Lord ang mga gumawa nang Blender. Mantakin mong libre na, user-friendly pa, mabilis pa! What do I mean user-friendly? Ibig sabihin, madali lang intindihin ang interface niya. Hindi nakakapanlumo katulad nu'ng Maya na mga professional talaga ang gumagamit.

That's what I call public service.

Postscript: Nagawa ko 'yung snowman sa tulong ng isang tutorial.

Pro Bono

Gmail

Sa kabutihang loob ng Google, binibigyan na nila ang mga G-mail subscribers nila ng pagkarami-raming invites. Kaya 'eto, naipon. Ninety-nine (99) na G-mail invites ang puwede kong ibigay nang libre (as if may nagbibigay nang may bayad).

Mini bilyaran


  April 8, 2005

Introspective Blogging

Karamihan sa mga blog na napupuntahan ko ay extrospective. Ibig sabihin, tungkol sa mga aktwal na pangyayari sa buhay nu'ng tao ang nakasulat (kung nanood ba siya ng sine, nagkipag-date, gumimik, atbp). Eh sa exciting buhay nila e.

Pero sa buhay kong kasing lamya ng petchay na pinakuluan, walang kwenta kung extrospective ang gagawin kong pagblo-blog.

Baka puro, "Ang Ulam Kanina Ay Hipon", "Pagtitiklop Ng Damit", "Nang May Kinuha Ako Sa Ref", "Nadapa Ako Sa Hagdan","Nagmiryenda Ako Ng Cake", "Nanood Ako Ng Bold" (umm... erase, exciting 'to e), blah-blah-blah ang mga pinag-blo-blog ko dito. Sige nga, may mas boboring pa ba d'yan?

'Yun ang dahilan kung ba't ganito ako mag-blog. Mas masarap pa kasing i-kwento ang mga nabubuo kong pagmumuni-muni kaysa sa mga nabubuong alikabok at agiw-agiw dito sa bahay. Introspective blogging pala ang tawag dito.

But of course, pag may exciting na pangyayari, bina-blog ko naman, although bihira. *sigh*

Baliktaran

Ang ambigram ay isang graphical representation ng isang salita kung sa'n pag binaliktad, gano'n pa din ang basa.

Eto naman ay isa ding form ng ambigram, kaso pag binaliktad nagtra-transform sa ibang salita:

avaguerrero
[Label removed -- For anonymity purposes]
(sa hindi nakakaalam, pangalan ko 'yan)

medotinside
m e d o t i n s i d e
(sa hindi nakakaalam, 'yan ang pangalan ng site kung nasan ka ngayon)

Galing ko 'no? Kung gusto mo, punta ka sa Ambigram Matic nang malaman mo kung ga'no kahirap gumawa niyan. *winks*

Mini bilyaran


  April 5, 2005

In Memoriam

Hihinto na'ko sa pag-iyak. Lab na lab ko lang talaga kasi si Pope e. Pero ayoko na! At puwede ba, paki hinto na ang mga makabagbagdamdaming tributes sa TV, radyo at internet?! For goodness sake, puno na lahat ng balde dito!

Pero di ko mapigilang gumawa din ng onting tribute sa Friendster bulletin board (na wala pang ilang tik-tak ng orasan e nabaon agad sa 7th page [that's why I created a redux version]), Pinoyexchange, BBC news (isa sa mapalad na napili 'yung akin), blog ni LWS, ibang forums, tagboards at text messages. Konti no?

Dahil konti pa 'yan ire-repost ko ulit dito ang pinost ko sa Friendster at sa blog ni LWS (kahit siguro naririndi ka na):

Let us all remember Catholics
and non-Catholics alike
this great man who stood
as the voice of the oppressed,
who in his lifetime became a beacon,
of hope and peace to the world.

Let us remember him as a the man
who was loved and respected in return
because he had given love so abundantly
to all people he encountered,
regardless of faith, color and age.

His suffering has already ended
let us pray for his peaceful journey
to the Father, to a place of eternal bliss
he truly deserves.

Pope John Paul II, will always be Pope John Paul II. Hindi na mauulit pa ang taong kagayang-kagaya niya - that meek face, that genuine hug, that uplifting smile, that saintly gait, that makes me even more...

Peram nga ng tabo.

Hindi Pambata

1. :| :) :> :> :> :>

2. :> :] :O :D :O 8O :>

3. :) :| :\ :( :O :'( ;)

4. :D :D :D :D :D :D

5. :| :I z;| 8| z;| z;| :| z;|

6. :D :D :O :| :x :< :'(

7. :^( :^| :^> :^> :^D :^P--

Ang mga mukhang inosenteng smileys sa taas may storya (yes, mga smileys 'yan kahit mukhang hinde). Here it goes:

1. A kid watching a vigorous kissing scene for the first time.
2. The kid, watching porn for the first time.
3. Ava, watching The Passion Of The Christ (Nye, ba't 'to nakasama? Erase, erase.)
4. The kid, watching porn the 10th time around.
5. The kid, watching Spongebob Squarepants... correct me if I'm wrong but I do think he's already umm, asleep?
6. The kid, watching porn... oops, why the face?
7. The kid... no wait... I think that's his daddy.

Ang moral lesson ay wag na wag manunood ng porn... sa bahay. *grins*

Bago ko pala malimutan, the kid's daddy was watching a mouth-watering KFC ad. After berating his kid, that is.

Postscript: Na-postpone ang entry na'to dahil nga sa nangyari sa Santo Papa. Hindi kasi akma sa mood ng paligid eh.

Mini bilyaran


  April 2, 2005

An Imminent Requiem

Karol Wojtyla
Courtesy of: BBC news

Naluha ako kanina.

Alam kong alam mo na kung sino ang niluhaan ko dahil nakita mo na sa picture (balak ko pa naman sanang isekreto). Oo, si Santo Papa.

Eh... ah... umm... *sniff*... WTF (in a solemn way, kung papano 'yon imaginin mo na lang)!? Hindi ko ma-describe ang pakiramdam ko. Naaawa ako, pero bakit? Eh araw-araw namang may namamatay. Du'n nga sa tsunami tragedy, ni isang calorie para sa pagpapatulo ng isang patak ng luha wala akong na-burn e. But now, why shed tears for the dying pope?!

Sabi ko nga di ko ma-explain ang feeling. Siguro dahil kilala ko siya. Siguro dahil kilala niya ko (joke). Siguro dahil pinahalagahan niya ang mga Pilipino. Siguro dahil sa mga nagawa niya bilang Papa. Siguro dahil cute siyang Pope.

Haaah, puro siguro, siguro, siguro. Basta ang tanging sigurado ko ay naging napakabuti at mapagmahal niyang tao. At iyon, aking kaibigan, ang nagpaluha sa akin. Mababawasan na naman kasi ng isang nilalalang na may dakilang puso, ang mundong tigang sa mga taong katulad niya.

Hindi ko siya malilimutan. At oo, I greatly admire him. I just hope and pray na maging mapayapa ang pagyaon niya sa kabilang buhay. And I'm quite sure, angels are already lined-up to welcome him into the gates of heaven. Happy trip!

Postscript: Nagamit ko na 'yung salitang requiem, never imagined I would have to use it too soon. Wala lang. Magkakaron kaya ng conclave?

Mini bilyaran


  April 1, 2005

Uwaaaaah!

Emosyonal daw na tao ang babae. Babae ako. Ibig sabihin emosyonal ako. At dahil du'n, nagugustuhan ko 'yung mga pelikulang nakaka-arouse... ng awa (hmhm, green minded).

Ang pinakanakakapag-paiyak sa'kin na scene e 'yung may namamatay. Di 'yung may namamatay na goon ah. Ang ibig kong sabihin ay 'yung may namamatay in a heroic way, the typical tearjerker.

Ito ay ilan lang sa mga pelikulang nakaka-iyak para akin (di naman lahat may namatay):

  • Philadelphia
  • Lorenzo's Oil
  • Titanic (yep, yep)
  • Magnifico
  • Ama, Ina, Anak
  • The Lion King (when I was a kid)
  • John Q
  • Land Before Time (agen, when I as a kid)
  • The Iron Giant (nakakaiyak ang ending nito a)
  • I Am Sam
  • Fluke
  • The Passion Of The Christ
  • Meet the Fockers (Joke? Hindi. Napaiyak ako nito sa katatawa.)
  • The Coneheads (Napaiyak ka din sa katatawa? Hindi. Napaiyak ako sa panget niya.)

Kelangan ko pang mapanood ang Requiem for a Dream at Kramer Vs. Kramer. Pero bago ang lahat, kelangan malaman ko muna ang ibig sabihin ng requiem.

*looks it up on the dictionary*

Aha, isa siyang hymn for a memorial service. Kung kanina lang ay hindi ko alam, ngayon alam ko na (at alam mo na din... aminin, di mo din alam ibig sabihin no'n dati).

That Was Weird

May trahedyang nangyari nung March 29...

Tinamaan ng malakas na earthquake ang isang Asian country, 300 ang natalang namatay.

Guess what? 'Yun mismo ang napanaginipan ko the night when it happened.

Nu'ng nagising ako, ang laking relief nang mapagmuni-munihan kong nananaginip lang pala 'ko. Tapos, tapos, saka ko nabalitaang nagkaron daw ng 8.2 (Richter scale) na lindol sa Indonesia. 300 ang natalang namatay (and still counting). My gadness, those were the details flashed on my dream!

Was I then endowed with prophetic powers? Nah. Coincidence maybe? May previous notion na kasi ako sa mga earthquakes na tatama ngayong taon sa Asia. Siguro na-isip ko lang yun habang natutulog ako and then poof!, it became cococrunch!

Postscript: Still, it gives me the creeps, lalo na 'yung 300 casualties. Pareho nung nasa panaginip at sa actual count. Hm-hm.

Mini bilyaran


May iniisip.

Ang website na ito ay naglalaman ng mga kuro-kuro, pananaw sa buhay, kwentong (may kwenta at wala), at kung ano pa mang bagay na maisip ng nilalang na nasa larawan. Kung hindi ka maka-relate, edi hindi.

"Trust but verify."
- Russian proverb

Magbilang tayo...
Isa akong normal na taong
kumpleto naman ang parte ng katawan: tatlong mata, isang ilong, kalahating bibig, apat na tenga, walong kamay at isang paa (sobra-sobra pa nga e). Marami akong gustong gawin sa buhay ngunit... ngunit... ganda ba ng kamay ko?

Earn Online

One

The Hobbit Film
Banner


MSN/Yahoo Messenger:
ava_square
E-mail:
ava.square@gmail.com
ICQ#:
225525350
PEX identity:
my_identity

RSS feed URL

Statistical Report Provider

Free Website Counters
Free Website Counters

ME dot INSIDE © 2004
was online since
March 26, 2004
All rights reserved.