Pag sumasakay ako sa jeep, I prefer sitting near the aisle (oh wait, everyone's indeed near the aisle). I mean du'n sa dulong-dulo, either sa malapit sa babaan o 'yung malapit sa driver's seat. Hindi dahil sa doon safest. It's just that I prefer na isa lang ang katabi kong tao.
Actually shooting two birds with one stone ito, pag punuuan ang jeep ah. Pag may nagpapaabot ng bayad, kahit ako 'yung nasa nearest seat from the driver, hindi ako naaabutan dahil nga ako 'yung nasa nearest seat from the driver. I mean, ang madalas 'yung katabi ko ang last na nagaabot ng pera. Hindi s'ya gano'n kalapit sa driver but not too far para idaan pa sa akin 'yung pera. Ang kapal naman ng mukha n'ya.
Dati may nakasakay akong baliw sa jeep. Kahilera ko pa s'ya. I was really praying to The Force na wag umalis 'yung tao sa gitna naming dalawa and thank goodness, she or he (I don't really remember) left. I think I sweat blood profusely at that time.
Hindi ko na lang pinansin, trineat ko s'ya as a normal person. Actually, it was very hard to maintain such an optical illusion ano. Buti na lang bumaba s'ya matapos ang ilang minutes that felt like hours. Tama nga si Einstein, "When you are courting a nice girl an hour seems like a second. When you sit on a red-hot jeepney seat with a brainsick person beside you a second seems like an hour. That's relativity."
Postscript: Sabi ko nga di ako titira taong may mental disorder. Sorry.
Unphotogenic Explained
May in-entry ako dati tungkol sa difference ng picture ko at ng image ko sa mirror. And I knew it. Mirrors are theforcedamn liars! But before anything else, hinga ka ng malalim. This is far more shocking than the Gospel of Judas.
'Lam mo ba na what you see in the mirror may be different from how people, who sees you often, see it? Kasi all their life, 'yung non-reversed image mo ang nakikita nila. Kaya pag nakita ka nila ngayon sa mirror, parang may mali. I can attest to this kasi 'yung best friend ko, ang ill-proportioned nu'ng face nu'ng nakita ko s'ya sa mirror.
Same reasoning could be applied why most people don't like their photos. Kasi buong buhay nila, 'yung mirror image naman nila ang nakikita nila. Try mo i-flip 'yung mga pictures mo sa PC o kaya itapat mo sa mirror, most likely 'yung mirror or flipped image mo ang ipre-prefer mo. Try mo din gumamit ng non-reversing mirror by holding up two mirrors in a 90-degree angle. Tumingin ka sa gitna. Baka lumaki ang mata mo sa makikita mo dahil your face might seem lopsided (your popping eyes may add to the lopsidedness so try to stay calm).
Ang tawag d'yan, "mere exposure effect." People prefer 'yung nakasanayan nilang itsura kaysa du'n sa hindi. Kung 'yung mismong tao prine-prefer n'ya 'yung reversed image n'ya, 'yung family and friends n'ya naman prine-prefer 'yung di reversed.
'Yon pala ang explanation kung ba't sa halos lahat ng photos namin, 'yung mga kasama ko photogenic at ako lang ang tingin kong hindi (which was so mind-boggling). It's all in the brain. Tsaka may isa pa pala itong use sa akin. If I want to piss off somebody big time, papakita ko lang sa kanya 'yung non-reversed image n'ya tapos di ko sasabihin 'yung rason kung ba't exaggerated ang asymmetries. Tangna, tignan ko lang kung pa'no s'ya magre-react.
The boiling point is (sic), malaki ang posibilidad na ikaw lang ang nagsasabing di ka photogenic.
Postscript: May bagong poll d'yan sa baba. Related dito. Nag-post din ako sa mga forums tungkol dito. Ito kasi ang ini-imbistigahan ko ngayong phenomenon. Titignan ko kung totoo nga talaga.
[]
April 16, 2006
Champ and Girls on Dope
Lagi kong naaabutan 'yung mukha ko na contorted pag kinikilig 'yung mga ka-gender ko kay Champ. Frankly speaking, hindi ako nagwapuhan sa kanya when I first saw him. Nasa bahay kasi ako no'n ng classmate ko at tinatanong ko what's with all the hype with this Hale thingy. Tapos sakto, naka-Myx s'ya at 'yung music video ng Hale na "The Day You Said Goodnight" ang pine-play.
Sabi ko, "'Yan si Hale?" Sabi naman n'ya, "No, that's Champ you dimwit." I wish gano'n ang sinabi n'ya pero hindi e. Ang sabi n'ya, "Oo."
So for almost a week or longer, misinformed ako. Ang alam ko si Hale eh 'yung vocalist na kamukha ni Josh Harnett. Later ko na nalaman na Champ pala ang pangalan n'ya at Hale 'yung mismong band -- after kong mapahiya.
Pero hindi iyon ang point ko. Sabi ko nga hindi ako nag-gwapuhan sa kanya. Pero dahil 80% ata ng babaeng kilala ko ay may crush sa kanya, I reconsidered. Ayoko na namang madagdag ito sa kaabnormalan ko kaya iyon, onga, gwapo nga, sige na, I believe.
Alam ko this is purely psychological. Kung hindi ko lang sila naririnig na kinikilig everytime maririnig nila 'yung word na "Hale," kahit na sa international weather forecast or sa Rosary pa nila 'yon narinig, hindi ako mag-gwapuhan sa kanya. Sh*t sila.
Nu'ng one time nga pauwi na kami ng mga classmates-slash-friends kuno ko galing EuroStar. Then nagulat ako nang may biglang sumigaw ng, "Haaaale! Aaaaaah." Then naghiyawan na silang lahat. Like, what the f*ck?! It was just a print ad for an upcoming concert. Champ, please tell me that you gave them a love-philter cause I'm beginning to think they're on dope.
Lent and the Gospel of Judas
Hmm, ano ang kinalaman ni Rizal at 'yung Basta't Kasama Kita ni Juday at Piolo sa Lenten Season? Hindi ba dapat puro tungkol kay Jesus? Sa pagkakatanda ko, dati gano'n e. Tsaka, kung walang silang maipalabas na related, wala dapat palabas.
Actually, wala naman akong pake, na-observe ko lang. As you probably know by now, non-practicing Catholic ako. Malabo din akong Christian kaya ayokong mag-fast or mag-abstain. My gad. I'm dead meat.
Pero 'yung family ko, they're religious, so pinag-fast ako at pinag-abstain. But I don't think gano'n nga ang nangyari. Sarap-sarap ng sardinas na may tortang egg e. Dati nga, nag-hi-hipon pa kami. May mali talaga ano? Dapat kung gusto nila, pagbawalan 'yung pagluluto ng masarap na ulam, que karne, seafood o veggies. Paano kung mahilig 'yung tao sa seafood di ba? Labo.
Anyway, here comes the Gospel of Judas. Another sensationalism, thank you, National Geographic. I agree with the others, ni-resurface ito just in time sa nalalapit na DVC The Movie. Matagal na itong na-discover e, why naman ngayon lang inintriga? Obvious na obvious na may hidden agenda.
To get to the crux of the matter, the Gospel of Judas is a Gnostic gospel. Ang Gnostics, naniniwala silang may secret knowledge sila sa mga bagay-bagay na spiritual and this brings them salvation. Malayo ang paniniwala nila sa mainstream Christianity no'n.
So ngayon, ni-reject 'to ng early Church fathers (e.g. Irenaeus) dahil hindi nagco-coincide sa authoritative at apostolic teachings tungkol sa Christianity. Don't be fooled, Gnostics aren't Christians just as Muslims aren't.
In conclusion, wala lang. Hahahehe, natutuwa lang ako sa mga taong masyadong nai-intriga. As for me, namanhid na ako sa ganitong news.
[]
April 10, 2006
Andami Kong Gagawin!
Parang hirap na hirap na 'kong i-contain sa isang araw lahat ng ginagawa ko sa dami.
Hindi natuloy 'yung hindi ko pag-tuloy ng summer class dahil 3 subjects pala s'ya. Baka mahirapan ako next sem. Wala akong bagsak ah, part kasi ito ng curriculum.
Tapos 'yung 3rd and final thesis (I call this Thesis Wars Episode III: The Revenge of the Proponents)! Kelangan kong nang i-improve 'yung interface nu'ng lame Automated Inventory System namin at s'yempre, though di kami require mag-code, lalagyan ko pa din s'ya ng code dahil gusto ko! Mag-g-geek mode ako next-next week para dito. Ang masama pa, kelangan Visual Basic (or VB.net) ang gamitin ko, eh mas sanay na ako sa Java.
The impending Mensa exam is also giving me the jitters. Come May 6! Nagpa-pre-register na kasi ako. Wala na itong atrasan. Mag-isa lang ako; nagyaya ako pero walang gustong sumama.
Tapos dalawang libro pa ang babasahin ko: Neverwhere (Gaiman) at Demon Seed (Koontz). Inuna ko 'yung Neverwhere. Maganda, so far. Medyo dark pala s'ya ng konti, kala ko parang Peter Pan, haha Neverland, Neverwhere, connection?
Then kelangan ko pang isiksik 'yung pagiging internet junkie ko na hindi ko talaga maalis. Hindi puwedeng hindi ako mag-internet sa loob ng 15 hours. Pag nag-exceed, nags-start na akong mag-mutate.
Eto pa. Nasabi ko last month na may nilalaro akong dalawang RPG. Nadagdagan pa ng Suikoden V. Weeee, ang saya nito! (Yes, busy na ako sa lagay na 'yan.)
Postscript: Gumawa na din ako ng about me page. Gwaoraghash.
Ganito Pala Ang Feeling
For the first time in my life, ah, hindi pala, siguro first time in 17 years, tumaba ulit ako. I mean, nu'ng bata ako, wala naman akong pake. Pero iba pag ganitong 19 years old na ako at tumataba ako. Hindi naman sa naiinsulto ako pero what the heaven and hell, nakakapanibago.
Dati nu'ng chineck ko 'yung timbang ko, I weigh 94 lbs. That's light. But recently, I tipped the scale at 105 lbs. *whatever that sound is when a serial killer appears*
Hindi naman ako mataba talaga, like as in fat (like as in, pareho lang 'yon). Tsaka wala din naman sa genes namin ang mataba, lahat kami mapapayat. Hindi lang ako anorexic thin katulad ng dati.
Dati kasi kung ano 'yung diameter ng wrist ko, gano'n din ang diameter ng braso ko. Pero ngayon, kung may planeta na mag-o-orbit sa kanilang dalawa my wrist is comparable to the orbit of Mercury at 'yung braso ko comparable sa orbit ng Venus. Ohh, the obese? Jupiter itself. KIDDING! *runs off*
So it's either kokontian ko lang ang pagkain pero hindi ako mag-e-exercise o kaya kakain ako ng marami pero mage-exercise ako. I choose the latter clause of the former and the former clause of the latter. Hi-hi-hi.
[]
April 3, 2006
Mensan?
Matagal ko na ding iniisip kung mag-jo-join ako sa Mensa. I mean, ang mga taong kasapi dito must be a lot weirder than me. I have to join.
Kung hindi mo alam kung ano ang Mensa, samahan s'ya ng mga tao na matataas ang IQ, nothing more, nothing less. (98th percentile, meaning within the top 2% ng world's population.)
Nu'ng binisita ko 'yung site ng Mensa one time, sabi the test-taker doesn't have to bring anything. Mag-p-provide daw sila ng pencil. Pero kung may lucky pen daw, bring it. Nagulat ako. Mensans are supposedly logical tapos they encourage you to bring a lucky pen?! I don't buy it. Tingin ko isa itong trap. Kung sino man ang magdala ng lucky pen is OUT.
Anyway, p-puwede ko sigurong ilagay na Mensan ako sa resume, if ever mag-qualify ako. That is the only use, aside from bragging, that I could think of. It is a bad idea to let your colleagues know your IQ though, especially kung mataas dahil ibu-bully ka and most especially kung mababa dahil ibu-bully ka pa din.
Nu'ng triny ko 'yung sa International High IQ Society (95th percentile) online exam, umabot ako, so puwede ako mag-member ($79 nga lang ang lifetime membership fee). Dunno kung accurate talaga dahil di man lang tinanong 'yung edad ko. Di ba IQ = mental age/age *100? I act like a 10 year-old a lot of times, that's an IQ of 52.
Anyway ang tao ba na may mataas na IQ ay henyo? Not really. Ang IQ tests kasi ay mostly what-comes-next-in-this-series kind of thing. There's nothing heñotic about that. Ang mga genius e 'yung may naco-contribute sa mundo, not a person who has the ability to solve a puzzle. If you think you are a genius because of your high IQ then baal raam you! (Wala lang para lang kasing curse word e, rings a bell? (BTW, the correct phrase is "baa raam ewe." Lately ko lang nalaman, heck. I really have a low IQ.))
Di ko alam kung kukuha ba ako. Ang kapal ko naman. But again, I know myself, one day, it-try ko din ito. And that one day is about to happen this month.
Mind Of An Introvert
Sa tinagal-tagal ko nang nababanggit na introvert ako, di ko pa pala na-e-explain kung ano ba talaga ang tumatakbo sa utak ng isang introvert. Well, read me out.
Ang main at obvious difference ng introverts sa extroverts ay ayaw nila ng attention (and they get it) while the latter, they thrive on attention (and they don't get it). Hah-hahaha! Okay, serious na.
As an introvert, hindi naman sa ayaw ko ng matao. Ayos lang as long as wala akong obligasyon na kausapin sila tulad sa LRT, malls or shops. Ang ayaw kong matao ay 'yung sa classroom.
Mahilig din kami sa pets. Kung di man mahilig, seldom kang makakakita ng introvert na nandidiri sa mga hayop. Pets ang best friend namin dahil they could keep us company without annoying us with small talk. Gano'n din ang books. Puwede nila kaming kausapin nang hindi sila dumadaldal. Not only that, they do not require us to respond. Puwera na lang kung textbook.
Pag mag-isa kami na-e-energize kami, pag maraming tao (at kelangang makipag-interact), napapagod kami, as if sinu-suck nila 'yung energy from us. We don't know sh*t why. Para din itong gender e. Pag babae ka or bading, sa lalaki ka nagkakagusto. It's an orientation, not a choice.
Arggh, by trying to avoid attention, lalo lang kami nakaka-attract ng attention. Bakit ba kayo ganyan? Masyado n'yo kaming pinapansin e hindi naman kami nagpapapansin. Advice ko sa KSP, try to be an introvert once, just try.
Postscript: Ayon sa Myers-Briggs typology, I am an INTP -- Introverted Intuitive Thinking Perceiving.
[]
Ang website na ito ay naglalaman ng mga kuro-kuro, pananaw sa buhay, kwentong (may kwenta at wala), at kung ano pa mang bagay na maisip ng nilalang na nasa larawan. Kung hindi ka maka-relate, edi hindi.
-> Mali ang sabihing, for e.g. juice when you mean dues. Ang letter "d" sa English language ay laging pino-pronounce as "d," as in "d" sa dog. So using the previous example, dues is read as "dus."
kumpleto naman ang parte ng katawan: tatlong mata, isang ilong, kalahating bibig, apat na tenga, walong kamay at isang paa (sobra-sobra pa nga e). Less?