August 27, 2005

Keeper

(Uy, it's been a long while since I last updated, pasensya na.)

Dito sa cabinet ko, andami kong abubot -- stationaries, stickers, pins, toys (basta a motley of small things). Pero hirap na hirap akong ipamigay sila, feeling ko kasi magagamit ko pa sila, di man ngayon, pero isang araw.

Lagi akong gano'n, laging gagamitin ko pa 'yan, but in reality, wala naman akong nakikitang rason para gamitin pa ang mga toys ko nu'ng bata ako. Hindi din naman sila nag-a-appreciate. Lalo lang silang nawawalan ng value habang tumatagal.

Ewan, this is one of my inveterate traits. Nu'ng bata nga ako, hirap akong itapon 'yung wrapper ng candy sa bintana ng kotse. Naah, hindi ako concerned sa environment. Ayoko lang mawalay sa'kin 'yung wrapper ng candy na naging parte din ng buhay ko kahit mga ilang seconds lang. Lalong di ko ma-take ang view na tinatangay s'ya ng mga kotse at hangin papalayo, syet, 'yung wrapper ng Tootsie Roll, di ko na ulit makikita...

At dati nag-entry ako tungkol sa ipon kong P5000. Sabi ko, gusto ko lang may P5000 ako, pero hindi ko talaga ini-intend na gamitin 'yon. Gets mo? I tend to hoard things kahit hindi naman dapat.

Ironic dahil dati nagtataka ako kung ba't may mga taong nalulungkot pag umaalis ang mga kaibigan nila or kakilala. Eh hindi pa naman sila mamamatay. Lumipat lang ng tirahan. Feeling ko no'n may radar ako na ma-t-trace kung sa'ng lugar na si ganito nakatira. Pero ngayon ko lang na-realize, onga no, 'yung mga taong inisip kong makikita ko pa nu'ng bata ako, never ko nang nakita ulit. Kakalungkot.

More about this on my next update... (not really a continuation but something related)

ABS-CBN O GMA?

Hwooops, paki ko ba. 'La lang. No'n pa kasi, madalas ko nang napapansin ang awayan ng mga Kapuso at Kapamilya sa mga forums dito sa internet. At seryoso sila.

Gano'n din ako dati. Di dahil sa isa akong TV network loyalist, gusto ko lang makipag-argue kapag may nakikipag-argue. Para ma-practice.

But I could sense that these forums' network wars are more than just a provocation of one's competence in argumentation.

No, wala kang maririnig na hirit na "You're begging the question," or "You've committed a red herring fallacy." Ang hirit dito, "Ang Kapamilya/Kapuso gaya-gaya! Walang originality ang Kapamilyuck/Kanguso!" Hahaha, kakaaliw.

May isa lang akong tanong. Meron na kaya silang na-convert?

BTW, ang favorite channel ko ay "off."

Mini bilyaran


  August 16, 2005

Ngayon Na!

Una sa lahat, maraming salamat sa mga nag-greet sa aking bloggers ng happy birthday. MARAMING SALAMAT TRULY, MADLY (?), DEEPLY. Special mention ko lang si tiamy dahil sa very heart-warming entry na ginawa n'ya para sa aking blog. Isa s'ya sa mga bloggers na malaki talaga ang pasasalamat ko. Babawi din ako sa'yo next time.

Kwento sa birthday. Ahh, nothing special. Kung ano ginagawa mo sa birthday mo gano'n din ako. Simple lang, not worth telling. (Tapos daw ikaw may confettis oh.)

So ang punto ko ngayon eh kung ano ang mga bagay na, yet again, gusto ko ngang ma-accomplish. Nararamdaman ko nang nasa stage na ako ng buhay na hindi na puwedeng pa-easy-easy. Tangna, I have to start doing something! As you may have deduced, hindi ako ang tipo ng tao na ang balak lang eh magkaron ng masayang pamilya, magpalaki ng mga anak at mamamatay one day sa kama (umm, more preferably sa kalsada?)

Nope, nope. SOBRANG AMBISYOSA AKONG TAO. I want to get the most out of life before life get the most out of me (di mo na-gets? ako din). Isang beses lang ako dadaan dito, mamamakyaw na ako habang sale.

I really want to travel in space, I am damn serious! Gusto kong mag-trabaho sa NASA. Gusto ko din maka-propose ng isang theory (avalian theory anyone? mag-e-entry ako one day tungkol sa mga theories na 'yan) as a scientist (if ever). Gusto ko din maging philosopher at makabuo ng isang thought or ideology. Gusto ko ding gumawa ng mga stories or books, tipong mala-Isaac Asimov or Carl Sagan.

Here's more. Gusto ko ding mag-develop ng isang video game. I even want to work at Square-Enix (aside from working with NASA, and don't ask me how will this be possible). Gusto ko ding mag-animate, 'yung makagawa ng animated film tulad ng Ice Age. I want to learn robotics. Gusto ko ding i-pursue pa ang pag-aaral ng pagtugtog ng piano (I know how pero hindi ako magaling), recorder, guitar at violin. (Kung hindi mo alam na babae ako, baka akalain mong lalaki ako dahil sa mga interests ko.)

I don't want to be a pop star like Britney, for goodness sake, I don't really want to be famous (though accomplished men can't help but be famous). Gusto ko lang maranasan ang lahat ng 'yan, and on my deathbed (or death[insert location]), masasabi kong -- I have lived my life.

And you know what my greatest fear is? To end up doing nothing. I can hear the clock ticking. Sana maubusan ng battery.

Mini bilyaran


  August 7, 2005

Malapit Na Birthday Ko

As some of you may already know (or have forgotten or have plainly failed to take notice of the last time I mentioned it (huhuhu)), mag-b-birthday na naman ako this August 15. Nagparegalo ako in advance ng PalmOne Tungsten E2 (ang isa sa ikina-busy ko these past days (download apps), 'yung isa eh ang pagbabasa ng Sophie's World na nalaman ko kay jay-p).

Pero malungkot din ako everytime na mag-b-birthday ako. My birthday reminds me of my mortality. Tumatanda na ako! Shet. Next year, mag-bebente na ko (20). I have already consumed 1/4 of my lifespan!

Kaya nga gusto kong tumanda e, I want to die old. 'Yung as in sagad-sagarang katandaan. Malaki na ang quantity ng life ko, may quality pa. O bilin mo na!

Speaking of quality, marami akong gusto pang marating. Magiging scientist pa 'ko. Makaka-assemble pa ako ng isang robot. Magsusulat pa ako ng isang book (na magiging best-seller). Pupunta pa ako sa outerspaceee! Lahat ng 'yan tiyak magpapayaman sa akin (which is my, ahem, ultimate goal, hehe).

Sana ma-achieve ko 'yang lahat bago ako mag-pass away. Tapos papa-cryogenics ako gamit ang perang naipon ko bago ako ma-dedo so that one day, I may again live. Tapos magiging scientist ulit ako, makaka-assemble ulit ako ng robot... magsusulat...

Barkada

Never in my life na may natawag akong barkada. Miserly? Hindi naman.

Wala naman talaga akong definition kung ano ang barkada. Basta alam ko when I see one. At sa nakikita ko, I don't have it. I have few friends, and that's it. We can't even create a smooth circle (of friends). Pentagon or hexagon puwede pa.

Pero mas masaya na ako sa konting friends. May advantages din naman e. Madali lang silang i-manage. Konti lang ang peer pressure. Napapansin ko kasi sa mga kakilala kong may mga barkada, though di ko sure kung applicable sa lahat, parating may peer pressure. Pag may inuman, bawal ang umayaw. Kung hindi sasabihan ka ng killjoy o walang pakikisama. Ayoko ng gano'n. Ayokong bina-blackmail. Ayokong sapilitan.

I no longer believe in pakikisama within one's circle of friends (as for us, sabi ko nga pentagon). Kung kelangan ko pang makisama sa tinuturing kong mga kaibigan, I think they're not real friends but mere acquaintaces I am just trying to make friends with. Real friends, don't pressure you, they give you space and they understand. So tingin ko, pag na-pre-pressure ka sa mga kaibigan or barkada mo, think again. You don't have lots of friends, you only think you do.

Postscript na OT: Na-wi-weirduhan talaga sa'kin 'yung mga kaibigan ko pag binabanggit kong naging agnostic ako no'n. Shocking daw at nakakatakot. Grrrr. Is it me, or is it them? Methinks it's them.

Mini bilyaran


May iniisip.

Ang website na ito ay naglalaman ng mga kuro-kuro, pananaw sa buhay, kwentong (may kwenta at wala), at kung ano pa mang bagay na maisip ng nilalang na nasa larawan. Kung hindi ka maka-relate, edi hindi.

Name:

E-mail Add:

Question:


Easy Online Form Builder

August 2005
10 Latest Entries

o Keeper
o ABS-CBN O GMA?
o Ngayon Na!
o Malapit Na Birthday Ko
o Barkada

5 Latest Commentors

Quotations


"Life may have no meaning. Or even worse, it may have a meaning of which I disapprove."
- Ashleigh Brilliant

SINK #19:
Asteroid Will Say Hi

-> Sa year April 13, 2029, ang asteroid Apophis ay magpa-pass within 20,000 miles from Earth. Makikita ito ng mga taga Asia at North Africa. A rare event -- only happens every 1,500 years.

Magbilang tayo...
Isa akong normal na taong
kumpleto naman ang parte ng katawan: tatlong mata, isang ilong, kalahating bibig, apat na tenga, walong kamay at isang paa (sobra-sobra pa nga e). Marami akong gustong gawin sa buhay ngunit... ngunit... ganda ba ng kamay ko?

NEW POLL!
Are You Beautiful?
Yes, I am, inside-out.
Yes, physically, but I am a bitch.
Yes, I am beautiful, only on the inside.
No, I'm an ugly duckling, insides out if you want!
Of course not, for I am handsome! (...and a cornball.)
Current Poll Results
Previous Poll(s) Results

Cut-rate Hosting
Join the campaign
Get FireFox
Get Firefox!
Online Job
Make it happen
Banner

Scratch-Scribble

Lower Higher - Maikling kuwento tungkol kay Korsnin at ang alaga n'yang pusa. The story is a little more complex than that. This is the very first short story I've ever completed.


MSN/Yahoo Messenger:
ava_square
E-mail:
skwayred@gmail.com
ICQ#:
225525350
PEX identity:
my_identity

RSS feed URL

Statistical Report Provider

Free Website Counters
nandito ang nilalang

ME dot INSIDE

Copyright © 2004-2005
by Skwayred
Online since
March 26, 2004
10,000 hits on
May 26, 2005
All rights reserved.