December 31, 2005

Deviant Artist

Uhuh. Deviant artist na ako. I mean, miyembro na ulit ako ng Deviant Art. Sa mga di nakakaalam, ang deviant art ay isang website kung sa'n puwede mong i-display ang mga artworks mo, in any form.

Gaya ng sabi ko, miyebro ako dati, kaso nagkaron ako ng drawing hiatus kaya na-disable ang aking account. Matagal-tagal na din kasi akong di nag-drawing. Pero nu'ng isang araw lang, ginanahan na naman ako. Bwahahahaha. Part nga 'yon ng New Year's resolution ko e (more on my next entry). Kakareerin ko na talaga ang pag-d-drawing at hopefully, pag-p-paint.

So ito, napag-tripan ko ulit gumawa ng account. Actually, ginawa 'yon ng isang forumer named blight. Salamat sa'yo! Malalaman mo kung bakit pinagawa ko pa sa iba kung bibisita ka sa deviant art page ko:

Skwayred's Deviant Art

Nilagay ko sa gitna at binold ko para kunyari importanteng bisitahin mo 'yung site. Ok? See you there. Silip ka sa "scrap" kasi 'yun pa lang ang may laman. Kelangan ko na ng scanner! Sa'n ba may mura?

Mini bilyaran


  December 25, 2005

May Sasabihin Ako

Feliz Navidad. Selamat Hari Natal. Natale hilare. Nollaig Shona Dhuit. Sarbatori vesele. Joyeux Noël. Streken Bozhik (parang robotic). Nadolig Llawen. Pace e salute. Vesele Vanoce.

Nyahahaha, ano daw? Alam kong na-gets mo na ang sinabi ko (na ni-research ko pa nang 0.28 seconds ayon sa Google). Pero mas masarap pa ding mag-greet kapag sariling lenguahe ang gamit kaya...

BEST WISHES!

Postscript: Hmmm, ba't kaya late mag-text ngayon mga tao? Mag-t-twelve na ah. Huhuhu. Wala pa akong load. Hwaaaah. BTW, di pa December 25 nang i-upload ko ang entry na 'to, pero ni-round off ko na lang. Nga pala, Merry Christmas, muntik ko nang makalimutan. Hihi.

Mini bilyaran


  December 17, 2005

Happy Talk

Kung i-a-assess ko ang sarili ko, tingin ko, masaya akong kausap. At makapal talaga mukha ko. Muwahahaha.

Maraming nakakaalam na tahimik akong tao. Merong iilan na nakakaalam na tahimik ako pero madaldal din at times. May konti namang nakakaalam na hindi ako tahimik. Ahh, me and my alter-egos!

Hindi, iisa lang sila. Sila ay ako. Ang naiiba e 'yung taong kausap ko, hindi ako.

Ego-massage 'to pero alam kong ako ang taong puwede mong kausapin about anything under the sun, the moon and the stars if you want. Kung gano'n din ang kausap ko, madaldal ako (though I'm really quiet and soft-spoken, MOTN).

Pero sa mga taong walang alam pag-usapan kundi ang lablayp nila o kung ano-anong chismis tungkol sa kung sinong I-don't-give-a-flying-damn-about, sorry, di kami magkakasundo.

Tsaka pag nagku-kwento kasi ako, may halong quirkiness. I mean, sa normal conversation (meron kayang abnormal conversation?) bigla kong ihihirit 'yung, "Alam mo 'yung pagong na may dalawang ulo? Pa'no kung 'yung isa gusto sa right, tapos 'yung isa gusto pa-forward? Lalakad kaya s'yang (or silang) pa-north east?" Gano'n. Hindi ma-take ng iba minsan e. Hwa-hwa-hwa. Pag pasensyahan ang weirdo.

Anyway, proud pa din ako. At least pag kinausap ako about two-headed turtles, lochness monster, sports, sex (lalo na porn!), cartoons, God, cellphone models, family problems, video games, crushes, movies, dreams, books, et cetera, game na game ako. Gusto ko din 'yung taong pwedeng ka-kwentuhan tungkol kay Sam Milby pero at the same time, puwede ding ka-kwentuhan tungkol sa mga nangyayari sa gobyerno.

Unfriendly Friendster

Putakte! Puwede ba, du'n sa mga nag-f-Friendster, be responsible users plis. Alam ko it's a place for self-humiliation, pero goodness, pa'no naman ma-v-view ng mga tao 'yung super-tantalizing-pulsating profile page mo kung hina-hang nu'ng mismong super-tantalizing-pulsating profile page mo 'yung PC nu'ng tumitingin? Hindi lahat ng tao naka-DSL.

I still browse Friendster. Nakakatuwa kaya. Pero syete talaga. 'Yung iba gusto kong i-print 'yung buong profile page, gagawin ko lang pambalot ng regalo. Para kasing gift wrapper e.

That doesn't end there. Maraming mga profile page ang may background na gif image. 'Yung gumagalaw. Kala n'yo maganda? HINDE. Nakakahilo. Nakakasilaw. Nakaka-induce ng epileptic attack.

Tapos 'yung iba, hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa kanila dahil gumagamit sila ng background image na kakulay ng font o font na kakulay ng background image (commutative property). Lintek. Siguro naman may balak silang ipabasa 'yung nilagay nila do'n. Wag namang gawing invisible.

Isa pa. Hindi pang-greet ang testimonial. May nakikita kasi akong mga testi na, "Hi [insert name], hope to see you soon!" Duh. Tsaka 'yung dambuhalang mga "F-R-I-E-N-D K-O T-O" banners na gawa sa pinagsama-samang letters para gumawa ng malaking image (at iba pang variations no'n, may nakita akong flower na drawing tapos may, thanks sa baba, di ko ma-explain kung pa'no 'yon naging testi). Oo na, kaya ka nga nasa friend's list e, dahil friend ka n'ya. Now, tell us something we don't know.

Postscript: Hmmm, sa'n kaya ako magtatago? Seriously, wala akong pake que may masaktan sa sinabi ko. Sawa na ako. Pucha. At sino ba naman ako? You don't have to please me.

Mini bilyaran


  December 9, 2005

Becoming A Bitch

Sinabi ko kay classmate-and-friend ko one time ang mga problema ko sa buhay, ang sabi n'ya masyado daw kasi akong sensitive, which is .0001% true. Ibig sabihin, kelangan kong matutong magsabi ng, so what? when faced with life's adversities.

Onga naman. Pag sinabihan ako ng harsh words, so what? Pag hindi ako nakakuha ng matataas na mark, so what? Pag hindi ako pinapansin ng crush ko, so what? Pag nalimutan kong tanggalin ang saksakan ng plantsa, so what? That simple.

See? Problem and worry free ang life ko. (If not for the fact that I could lose a house.)

Well, tama naman e. Masyado kasi akong mabait sa mga tao. No, really. I have this habit of thinking of the words to say before I say them. Meron akong filtering system (thanks to evolution) inside my body na hindi p-puwedeng lumabas sa bibig ko ang mga words na makakasakit sa ibang tao.

Pero meron akong mga kakilalang mapanglait. And napaka-obvious. Their jeering is sometimes so loud as if gusto nilang malaman ng mga aliens sa Andromeda Galaxy na yoohoo, nanglalait kami ibig sabihin, astig kami. Ulul.

Hindi ba nila alam na 'yung isa sa kanila e puwedeng kong i-present bilang example ng spontaneous generation dahil may evidence ako na dati s'yang oil na tinubuan lang ng mukha? Tapos 'yung isa e mukhang... errr, walang mukha tapos 'yung isa naman e tila may severe case ng ADHD at autism?

Kung may surgeon lang na kayang magtanggal ng vestigial filtering system na 'to, I would have undergone an operation for its removal a long time ago. (And have earned innumerable death threats too.)

Nerdyoso

Gusto ko magsalamin. As in 'yung pang-nerd, black-rimmed but not-so-thick eyeglasses. Trip ko lang. Nerd wannabe kasi ako e (I'm just a low-ranking nerd).

Kung ang ibang tao eh ayaw na ayaw nilang tinatawag silang nerd, ako okay lang. Nerd, nerd, nerd! Nya-nya-nya-nya-nya. Shut the f*ck up. I'm smarter than you. Nya-nya-nya-nya-nya. Wi-hi-hi-hi.

Basta, tingin ko they're cool. Gusto kong magkaron ng nerd na friend. As in 'yung nasa mataas na rank na nerd. Tipong gumagawa s'ya ng mga sarili n'yang formula to solve mathematical problems. Whoah!

Anyhow, to blend in, kelangan ko lang magpalabo ng mata para makapag-suot ako ng salaming may itim na rim. Tapos kahit may malaki akong bag e sisiguraduhin kong may mga 2-3 books pa din akong hawak-hawak. Tada, I will be your typical nerd next door.

Mini bilyaran


  December 2, 2005

Amazing Creature

Gaya ng prinomise ko, i-dededicate ko ang post na ito sa mga amazing creatures dito sa earth ibabaw. Pero dahil tinamad na naman ako, which is very typical of me, hindi na. Pero to compensate it is still about an amazing little creature.

Minsan ba eh na-try mo nang panoorin 'yung isang linya ng mga langgam? I do this a lot of times. Minsan nililigaw ko 'yung mga ants. Pinadadaan ko 'yung daliri ko sa harap ng isang ant na nag-ma-march tapos lilihis s'ya ng daan at mababaliw na lang bigla. Nakakatuwa. Not in a sadistic way. I just want to congratulate him because he took the road less travelled by.

Anyway, iyon ang rason kaya hindi ako pumapatay ng langgam for sheer sadistic fun. By observing them I think they're such amazing creatures. Hindi sila langgam lang. They are even more complex than you can imagine.

But such is their plight. Naglalakad lang sila ng walang kamalay-malay sa isang surface then plak! Like WTF?! Alam ko bang nakakaistorbo ako sa'yo? Malay ko bang ang nilalakaran ko eh braso pala! Ni hindi ko nga alam kung ano ang braso e! (Kaya nagtataka ako ngayon kung ba't ko ba nabanggit ang braso.) If ants only knew their innocence.

I mean ok, ang gago naman kung sasabihin kong wag kang papatay ng langgam kung kinakagat ka na. Or i-save mo 'yung mga langgam na nag-accumulate sa platong di mo agad nahugasan (which I sometimes do). Ayoko lang nakakarinig nang curse words against them as if they're some nasty evil creatures.

Ants don't know what they're doing. They don't even know the difference between good and evil. They're not even aware of you. So tingin ko, mali ang sisihin sila na as if para silang taong nag-iisip.

Stop, Look And F*ck Off

Gusto kong nag-s-stare sa mga tao. Alam kong nakakairita pero pake mo ba? Eh sa nakaharang ka sa range of vision ko e.

Well, dati talagang tinitignan ko 'yung mga taong nakakasalubong ko. Masaya e. Kung alam mo lang ang experience nang nakakakita ng iba't ibang faces. Pero nu'ng na-realize kong nakakairita pala pag tinitignan ka, tinigil ko na.

Kaya ayokong umuupo sa likod na part ng FX. Kasi sigurado may taong haharang at haharang sa harap ko. In that case, kailangan ko tuloy iwasan ang spot kung sa'n nando'n ang mukha n'ya. Pati na din jeep pag puno. Dito kailangang diretso ang upo ko at magkaka-stiff neck ako if I don't look straight ahead. Ang hirap tumingin sa gap ng dalawang magkatabing ulo, kala mo. It's hard to resist the temptation to just have a glimpse of what sort of faces those two heads have.

Niwey, na-discover ko 'to kasi natitigan na din ako. Ewan ko kung may nakakaalala pa nu'ng kwento ko dati nu'ng nagpunta akong Quezon. Ang mga tao kasi do'n matitig. As in para nila akong pine-peruse. Para akong specimen or some sort of an alien specie na no'n lang nila nakita. Di lang sandali ah, as in sinusundan nila ako ng tingin.

From that experience, na-realize ko ngang gano'n din ako makatitig sa mga tao minsan, sa isang urban city na isnaban ang uso. Kaso unfair, walang ni isang tao ang nangangahas na tignan man lang ako kahit one second, it's as if I'm invisible. Kaya naisip ko na wag din silang tignan. Hmp.

Niwey ulit, hindi ko na-isip dati na napapansin pala ng mga taong tinititigan ko na may ulo at matang na naka-angle ng diretso sa mukha nila. Kung ako din 'yon, ma-coconscious ako. Pero I do feel I'm missing a lot. Gusto ko kasing makita lahat ng mukhang available sa earth.

Mini bilyaran


May iniisip.

Ang website na ito ay naglalaman ng mga kuro-kuro, pananaw sa buhay, kwentong (may kwenta at wala), at kung ano pa mang bagay na maisip ng nilalang na nasa larawan. Kung hindi ka maka-relate, edi hindi.

Name:

E-mail Add:

Question:


Easy Online Form Builder

Quotations


"There has been an alarming increase in the number of things you know nothing about."
- ?

SINK #33:
Banana Split

-> Kaparehas natin nang 50% ang saging, genetically.

Magbilang tayo...
Isa akong normal na taong
kumpleto naman ang parte ng katawan: tatlong mata, isang ilong, kalahating bibig, apat na tenga, walong kamay at isang paa (sobra-sobra pa nga e). Marami akong gustong gawin sa buhay ngunit... ngunit... ganda ba ng kamay ko?

NEW POLL!
Are You Beautiful?
Yes, I am, inside-out.
Yes, physically, but I am a bitch.
Yes, I am beautiful, only on the inside.
No, I'm an ugly duckling, insides out if you want!
Of course not, for I am handsome! (...and a cornball.)
Current Poll Results
Previous Poll(s) Results

Cut-rate Hosting
Join the campaign
Get FireFox
Get Firefox!
Online Job
Make it happen
Banner

Skwayred Zone

Lower Higher - short story
Forboding Plains - short novel
Ikaw Pa Din Ang Iibigin Ko - piano record
If We Hold On Together - piano record


MSN/Yahoo Messenger:
ava_square
E-mail:
skwayred@gmail.com
ICQ#:
225525350
PEX identity:
my_identity

RSS feed URL

Statistical Report Provider

Free Website Counters
nandito ang nilalang

ME dot INSIDE

Copyright © 2004-2005
by Skwayred
Online since
March 26, 2004
10,000 hits on
May 26, 2005
All rights reserved.