'Yung food pang-elitista. Nasabi ko na dati na ayoko ng elitistang pagkain. 'Yung mata ko lang 'yung nabusog at di 'yung tiyan ko. Actually, sa lahat ng pagkaing inilagay sa plato ko, isa lang 'yung nasarapan ako. Mas gusto ko pang isang klaseng ulam na lang na masarap tapos may plain rice kaysa sa kakarampot na masarap na ulam tapos plain crap na 'yung iba.
Nu'ng nag-start 'yung presentations (kung sa'n di kami kasali kasi OJT lang kami), nakakita ako ng reverse domino effect. Nu'ng may isang tumayo, sunod-sunod nang nagtayuan na lahat. Natural kapag may tumayo at humarang sa harap mo, edi tatayo ka din. Ngayon 'yung taong nasa likuran mo, di n'ya din makikita at tatayo din s'ya. Gano'n din 'yung nasa likod n'ya at 'yung nasa likod ng likod n'ya (ad finitum). You get the point. Kung wala sanang tumayo, nice and comfy sana ang lahat sa kinauupuan nila. Heck.
Dahil nga d'yan, na-force kaming sumiksik sa harap. Ang lalaki pa naman ng mga tao do'n. I really felt like a hobbit. Anyhow (para di naman ako puro anyway), kung iisipin mo, wala na kaming sisiksikan sa harap pero hindi. May isang lugar sa harap na ayaw puntahan ng iba -- 'yung tabi ng speakers. Di ko alam kung ilang decibels 'yon pero iyon na ang pinakamalakas na ingay na narinig ko sa tanang buhay ko. I didn't just hear the sound, I felt it.
Hindi na namin ininda (whatever that means) 'yung ingay. Ang mahalaga, napanood namin 'yung presentations ng iba't ibang department at napatunayan kong may mga cheerdancers din pala sa kompanya namin. I thought they were all geeks.
Lately ko lang na-realize na di 'yon facade, I mean na nagpre-pretend lang akong magmukhang tatanga-tanga at mababaw. Deep waters have shallow parts too.
Na-isip ko lang na kaya kong i-force 'yung sarili ko na mag-isip ng malalim kung gusto ko. Para bang nagkakaron lang ako ng Super Saiyan moment kapag nakikipag-debate ako or kelangan kong umintindi ng isang technical na write-up or science book. Pero kapag di kailangan, shallow 'yung mga ideas na nagma-materialize sa utak ko.
Kapag binabasa ko kasi 'yung mga sinusulat ko dito or sa forums (or sa kahit anong article), parang ang mature ko na. No one who knows me in real life would expect these kinds of thoughts from me (my self include). Para sa kanila, isa lang akong matanong at uto-utong isip-bata. I concur.





























