|
On Affection
May bagay lang na di nagpapatulog sa akin minsan sa gabi. 'Yung mga tao ba na parating nagsasabi ng "I love you" or "I miss you," serious ba sila?
Kasi sa opinyon ko, para masabi mong affectionate ka talaga, dapat kapag pinakita or sinabi mo 'yon, hindi parang wala lang 'yung mararamdaman mo. Affection must always be sparkling special. At kung special s'ya, ang tendency eh di ka magiging lax sa pagbibigay ng affection. So in other words, 'yung theory ko, kapag affectionate 'yung tao sa lahat, di din talaga s'ya affectionate.
Nakaka-inis kasi 'yung ginagawa ng iba. After kong mag-feeling special matapos nila 'ko yakapin, i-kiss o sabihan ng "I miss you," bigla-bigla ko na lang makikita na lahat ng tao niyayakap, hinahalikan at nami-miss din nila. Do they genuinely just like a lot of people or do they genuinely just like to piss me off? Which is which?
Though of course, may mangilan-ngilan na din akong na-meet na tao na sa akin lang affectionate. Tulad nu'ng friend and dormmate ko na bata. Madalas n'ya akong yakapin. Ako lang kasi 'yung isip-bata sa dorm, haha. Basta pag dating sa mga kuwento at trip n'ya (like anime and toys), ako lang kasi ang interesado. Kaya nu'ng umalis s'ya, binigyan n'ya ako ng letter. Sabi n'ya do'n, "I will never foget (sic) you. I lav (sic) you!" Na-touch ako. Naramdaman ko kasi na totoo 'yung sinabi n'ya since reasonable na napamahal ako sa kanya (vice versa).
Eh pero, 'yung ibang "love you" na naka-append sa text messages or Friendster testimonials, di ko alam kung sa'n hinuhugot ng ibang tao. May mga nag-tetesti kasi sa akin na never ko man lang naka-kuwentuhan ng kahit isang oras sa buhay ko pero na-miss at mahal daw nila ako. Weird, right? Di tuloy touching kasi wala naman akong nakikitang rason para mahalin nila ako. I don't know why some people do that. The heck.
I Love Sex
Nasabi ko na dati na nanonood ako ng porn. I just watch it because it's fun -- 'yung mga reaction (and action) nu'ng involved and all that. Tsaka hindi naman ako araw-araw nakakakita ng gano'n e. Kahit nga offspring making (di "love making" kasi wala namang love involved do'n) ng aso o lamok, rare din. Yes, nakakita na ako ng lamok na nag-sesexual intercourse. Or so it seems. Basta dalawa silang magkapatong at 'yung lipad nila medyo mababaw lang (no pun intended, really). What I'm curious about is how worms do it. Sana next time maka-witness ako.
Tinanong ko 'yung friends ko na nakipag-sex na kung ano 'yung feeling. Basta daw. Basta daw masarap. Nakakainis sila. Ano nga 'yon? Pa'nong masarap? Ang advice nila napaka-practical, i-try ko daw para malaman ko. No offense meant sa mahihilig pero for this super duper high level of introversion I am thankfully gifted with, the idea of trying it is so haller?! (Commercial: Accepted ba 'yung "?!" sa formal writing? Sana i-accept kasi di kayang i-express ng question mark lang 'yung pagulat na tanong.)
Anyway, nag-e-enjoy naman ako sa stories nila. Lalo na pag nalalaman kong di na sila virgin. Sa kanila ko lang din nalaman 'yung mga sex terms -- things like horny, BJ, dog-style, cum, foreplay, cunnilingus, etc. (may hits na naman ito sa search engines, hahahehe). Nu'ng inosente pa kasi ako, pasigaw ko pang kinakanta 'yung "I'm horny, horny, horny, horny..." Feeling ko kasi 'yung sinasabi do'n sa kanta eh something along the lines of "I'm jolly," "I'm cool" or "I want to party tonight." Never pumasok sa isip ko na "I want to have sex" 'yung meaning no'n. Que horror.
Siguro bukod sa science, sex 'yung isa sa pinakagusto kong pag-usapan kahit di ko pa na-e-experience. Di ko alam kung ba't di ako nahihiya na mahilig ako sa ganitong topic (na shocking sa di ako ga'no kilala kasi isip-bata nga tingin nila sa akin). Tulad no'n, sinabi ko casually na "Naka-witness na ako ng taong bino-blowjob." Parang nag-ku-kuwento lang ako ng nasagasaang pusa or something. In this respect, masasabi ko siguro na, I love sex.
|
 |
Sponsored: Monster Premiere
Kahapon ko lang nakuha 'yung ticket ko para sa movie premiere ng "The Holiday" dahil buong week last week, may OJT ako.
Pag-pasok ko sa Monster Radio RX 93.1 office (putcha ang haba), sinalubong ako ng isang DJ. Hindi, sinalubong ako ni manong. Wala pa daw 'yung taga-bigay ng ticket kaya mag-hintay-hintay muna daw ako.
So, iyon ang ginawa ko, naghintay-hintay ako at pinicturan 'yung picture na nasa right. Ganito talaga ako, puro non-living things lang ang may guts akong picturan. In-invite pa naman ako ni manong sa booth ng DJs pero dahil nahihiya ako, I declined. I'm such a jerk.
|
|
 |
So okay, moving on. Ano kinaiba ng premiere night (na 'to) sa regular showing? Maliban sa mukhang Hallmark card na ticket, sa mga nanghihingi ng extra tickets bago pumasok sa movie house, sa presence ng RX DJs at sa introduction at pa-raffle bago magsimula 'yung show -- wala naman.
And speaking of DJs, nakita ko sila Chico & Delamar (sorry, "Chico, Delamar" just doesn't sound right; BTW, they were the emcees), Rico Robles and Gelli Victor. (Siguro nando'n pa 'yung ibang DJs pero di ko sila kilala sa mukha.) Ka-hilera namin sila ng upuan or I should say, humilera kami sa kanila ng upuan. They were just an aisle and 2 seats away. Hwahaha.
Sa film naman, feel good movie s'ya. Tipo bang kapag malungkot ka, ito 'yung film na dapat pinapanood mo. 'Yung pakiramdam pagkatapos namin s'ya mapanood eh 'yung pakiramdam after namin manood dati ng "Kasal, Kasali, Kasalo." Nothing spectacular pero masaya s'ya.
Pagkatapos nu'ng film, may mga nagpalakpakan pala (another difference na nalimutan ko i-mention). Wala lang, natuwa lang siguro sila, pake ko ba sa trip nila. Tapos, iyon, nag-commute na kami pauwi.
Sponsor: Du'n sa "The Holiday" nag-exchange ng bahay sila Cameron Diaz at Kate Winslet. Ewan ko kung uso ba talaga 'yung gano'ng set-up. Maybe you could check out real estate agent news and inquire if such an option exists for real.
Sponsored: No Uniform, No Entry
Kanina, nag-org shirt, jeans at flipflops lang ako papuntang school. Walang class pero may 2-hour seminar lang na kelangan attendan.
Ang kaso pag dating ko sa entrance, hinarangan na ako ng guard. Sabi n'ya, kahit a-attend lang ng seminar kailangan naka-uniform. So ang sabi ko na lang eh nanggaling pa ako sa office (kahit hindi dahil katatapos lang ng OJT ko) kaya di ako naka-uniform. Di din daw puwede kasi dapat daw nag-secure ako ng permit.
Napagod na ako sa mga nakahandang sagot n'ya sa excuses ko. Dahil d'yan, di na din ako nag-sabi ng "Excuse me" habang nagsasalita s'ya. Tinalikuran ko na lang s'ya basta at nilayasan ko s'ya.
Sinubukan ko 'yung kabilang gate. Meron kasi talaga akong dalang excuse letter. Ito 'yung Plan B ko (of course, in case Plan A doesn't work). Ang sinabi ko sa letter eh lilipat na kami ng bahay this week at naka-box na 'yung uniform ko. Sasabihin ko pa dapat na nasa kaila-ilaliman ng box 'yung uniform at 'yung box na 'yon (na naka-masking tape at nakatali na) eh nasa kaila-ilaliman din ng iba pang box. Pero baka isipin nila na sobrang defensive ko kaya di ko na lang nilagay.
Pag dating ko sa kabilang gate, naupo muna ko sa bench at nag-isip-isip. Nag-start 'yung seminar ng 10.00 am. 10:30 am na (courtesy of kuya guard). My excuse letter also sucks big time. Kaya ginawa ko 'yung Plan C. Umuwi na lang ako.
Sponsor: Siguro kung matangos lang 'yung ilong ko, papapasukin siguro ako ng guard (lalo ito, connection?). Ang tawag pala do'n sa pagpapaganda ng ilong eh rhinoplasty. If you want more info, visit rhinoplasty in Houston Texas. Marami d'yang experts na makakasagot sa mga questions mo.
|
 |
Sponsored: Taga-punas Ng Paa
Madalas kapag sumasakay ako sa jeep, may mga batang kalye na aakyat sa jeep para punasan (more of dampi) 'yung sapatos ng mga pasahero. Okay, fine. Pero kapag ginagawa nila 'yung pagdadampi sa katulad kong naka-sandals, naba-badtrip ako. Yeah, here's a peso for all the germs and bacteria! Right. Manlimos na lang sila kaysa magpunas nang walang kalatoy-latoy tapos sa bandang huli, ang dating eh nanlilimos pa din sila.
Sa tingin ko, 'yung idea na 'to, kasalanan ng sira-ulo na nagsabi na maghanap ng trabaho 'yung mga nanlilimos sa kalye. Get real. Itong mga nasa kalye na gulagulanit 'yung damit, hindi 'yan 'yung may mga tatay na construction worker or jeepney driver. They're poorer than them and no one would really hire them.
Di naman ako matapobre eh. Actually, para sa akin, ayos lang na limusan sila ng pera. 'Yung reasoning na di fair na tayo nagtra-trabaho tapos sila hingi lang ng hingi eh di substantial. In the first place, life is unfair to them first. Just imagine a race track. Isipin mo, ang starting point ng kalaban mo eh sa gitna na ng race track pero ikaw, nasa start pa lang. Then, nag-ask ka ngayon na hinto s'ya for 2 seconds para makahabol ka kahit papano. May karapatan ba s'yang sabihin na unfair 'yon? No. What's unfair is for him to say that it's unfair.
Now, it's either i-try kong maging fair kahit papano o hindi. Hindi ko sila kayang tulungan in the way na dadalhin ko sila sa DSWD, kukupkupin ko sila o bibigyan ko sila ng millions. Ang tanging paraan lang na kaya ko eh 'yung maghulog ng coins sa plastic cups nila. Kung gagamitin nila 'yung pera na binigay ko sa sugal, sindikato o sasayangin nila sa bloody hell whatever, bahala sila. They asked me to stop for 2 seconds, I stopped but they stepped back. Di ko na problema 'yon.
Sponsor: Kung tatanga-tanga 'yung pet dog mo, you should visit this dog obedience training
site. Marami sila d'yang tips kung paano i-train 'yung mga aso.
Sponsored: On Book Covers
Kanina (which is actually tomorrow; I will explain this time distortion later), dumaan ako sa National Bookstore na lagi kong ginagawa kapag nasa Cubao ako.
Nu'ng nando'n ako sa humor section, may pinicturan ako (which I did discreetly, di dahil baka pagalitan ako ng guard kundi dahil ang weirdo ng ginagawa ko). Ito 'yung mga pinicturan ko:

Napansin ko na pag gawang ibang bansa 'yung libro (left), ang gaganda nu'ng mga papel na ginamit para sa cover (madalas may paperback at hardbound version) at 'yung images mukhang ginamitan ng Photoshop. Kapag local (right), karamihan ng cover art, frankly, ang pangit. Pansinin mo, puro lang flat na drawing na wala man kang kasymbo-symbolism o ka-effect-effect. Ang simple lang din ng layout.
Hindi ko alam kung bakit gano'n. Di naman siguro dahil sa content (pangit na content, pangit na cover). May isa du'ng joke book (American) na ang co-corny ng nakasulat. Nevertheless, ang ganda ng pagkaka-package.
Tingin ko nga, 'yung local romance novels ('yung hilig daw basahin ng mga katulong, haha, joke lang), kung gagandahan lang nila 'yung cover, kunyari lalagyan ng embossed lettering (imagine "Halimuyak ng Kahapon" na naka-emboss) at medyo grainy 'yung papel, puwede na silang ilaban sa mga novels ni Anne Rice or Judith McNaught.
Dalawa lang naman ang purpose ng libro -- you read them and you collect them. Minsan nga eh I collect books before I read them. Ngayon, malaki talaga 'yung epekto ng book cover kapag idi-display sila sa shelf. Ang ganda tignan kapag maganda 'yung cover art at di mukhang cheap 'yung libro.
Anyway, I'm not judging the book by its cover. I'm merely judging the book cover. Magkaiba 'yon. Or so I think. Hehe.
Sponsor: Ito, tamang-tama sa entry ko, kung gusto mong makakalap ng information sa pagpapa-breast enlargement, punta ka dito sa breast enlargement information site.
Postscript: Kanina lang ito actually nangyari, Feb. 6. Pero dahil kelangan ko ng apat na entries at ayoko namang i-crowd 'yung Feb. 6 ng maraming entries, dito ko na lang sa Feb. 5 inilagay.
|
 |
Sponsored: The Net Imbentor Part I
Na-i-post ko kahapon sa SINK na akala nu'ng commissioner sa U.S. Patent Office noon, lahat ng puwedeng i-imbento ay naimbento na. Pero mali nga s'ya dahil ang dami-dami pang necessities (or wants) ng tao. Manood ka lang ng Home Shopping Network, ang daming innovative products do'n (di ko nga lang sure kung effective lahat). Isa pa, I proved them wrong nu'ng isang araw na nasa FX ako.
Sobrang nainitan kasi ako sa loob ng FX dahil mahina 'yung aircon. Naka-isip ako ng solution. Jacket na may cooling system. Para bang portable aircon. Puwede sigurong may maliit na machine na naka-embed sa loob ng jacket na kapag in-activate, papalamigin n'ya 'yung buong jacket. Puwede din na gumawa sila ng jacket na mabagal mag-absorb ng heat (in other words, nakaka-maintain ng lamig for hours). So ang gagawin na lang, ilalagay sa refrigerator 'yung jacket tapos kapag aalis ka, kukunin mo na lang tapos isusuot. Then kapag uminit na s'ya ibabalik lang ulit sa fridge.
Ayoko ding natutulog ng nakapatay 'yung ilaw. Pero kapag nakatulog naman na ako, ayos nang walang ilaw kasi tipid sa kuryente. Kaya ang naisip kong solution, ilaw na may sleep timer. Ewan ko kung may ganito na sa market.
Recently din, gusto kong nakikinig ng radio para makatulog. Ang kaso, masakit sa tenga 'yung earphone kapag nakatagilid ako kasi tumatama sa unan. Kaya ang naisip ko, sana may maka-imbento ng earphone na parang sticker lang. 'Yung parang wala kang suot sa tenga. It's like you're just hearing voices and music in your head. Scary.
Ito pa lang 'yung mga naiisip ko so far and pardon me kung ang crappy nila. Dadagdagan ko sa Part II (naalala ko lang, ang dami ko na nga palang nakabitin na Part II).
Sponsor: Speaking of ideas and inventions, nag-o-offer ng mga rare cars itong exotic car dealers (connection?). Ang gaganda ng designs ng kotse nila. Tignan mo.
Sponsored: On Looking Good
Alam ko na kung sa'ng aspect pinaka-generous at thoughtful ang tao -- when they shop for clothes. Think about it. Di ka lang nagsho-shop ng damit para sa sarili mo. When you shop, you always think of other people.
Kaya minsan di na ako na-i-intimidate kapag may nakakasalubong ako na ma-porma. I mean, binili nila 'yung damit na 'yon para sa mga taong makakasalubong nila (tulad ko). Why, thank you. Kung iisipin mo, mas nakaka-intimidate pa nga 'yung mga jologs or simple lang pumorma eh. Bakit? Because they don't give a swimming f*ck if you vomit while looking at their horrid ensemble. That's intimidating!
Nagbibiro lang ako. Actually, gusto ko na nga din ibahin 'yung image ko. Kaya kanina, nag-shop ako ng damit at sandals (slashed a thousand from my allowance) kahit ilang na ilang ako. Pag-uwi ko, sinuot ko sila. Naglagay din ako ng blush-on, eyeliner, eyeshadow, mascara at lip gloss (puro bigay ng nanay ko). Then, nag-head band ako. Darn, I look a whole lot better.
Gano'n pala 'yon. Kapag nakita mo na puwede pa palang i-improve 'yung itsura mo, di ka na magse-settle du'n sa dorky, old self mo. Kaya from now on, babawas-bawasan ko muna ang pagbili ng mga libro at toys. Puro damit, accessories at sandals naman. Magiging kikay na geek siguro ako pag tagal.
Sponsor: Makakatulong 'yung New Jersey hair transplant sa mga taong malapit nang ma-kalbo. How I wish lang na malapit-lapit ng konti 'yung location nila para matanong ko kung meron silang pampakapal ng buhok. My hair strands are gadawful thin.
|
 |
Sponsored: First Time I Ever Won Something
Never pa akong nanalo ng kahit anong prize. Nanalo na siguro ako ng certificates (as if ico-consider mo 'yung prize) pero never 'yung talagang nagagamit. Basta ang lagi kong nasa-isip, improbable. Kahit nga pag bring me at nasa tapat ko na 'yung emcee, feeling ko mauuhan pa din ako nu'ng nasa last row. Kaya di na talaga ako sumasali.
Du'n sa recent entry ko, sabi ko nag p-PM ako sa RX 93.1 ng mga opinion-slash-answer (nakiki-uso ako sa paggamit ng slash-slash-or na 'yan) sa tuwing may survey or question sila. Nagiging hobby na namin ito ng mga ka-OJT ko sa tuwing nasa office kami. Sobrang nakaka-antok lang talaga kaya iyon 'yung ginagawa naming libangan.
Ngayon, katulad ng iba pang radio station, may pinapamigay silang invites sa premiere night ng whatever movie kapag nasagot mo 'yung tanong nila or napili 'yung sagot mo. 'Yung pinapamigay nilang ticket ngayon eh para sa "The Holiday."
So I tried. Busy ako no'n pero triny kong mag-insert ng comment. 'Yung survey question ay: "Would you rather be too fat or too thin?" Ang sinagot ko eh something like this: "Too thin because if we were both given the same quantity of things, mine would always be larger, relatively speaking at least." Napili nila 'yung akin. Ang daming beses ulit binanggit 'yung whole name ko pero this time, I didn't turn red. I'll just let other people turn green with envy. Mwahaha.
Ewan ko kung bakit ako napili, baka siguro dahil di s'ya related sa health complications ng pagiging sobrang mataba o mapayat. Gano'n kasi 'yung answers ng karamihan. O baka dahil ako lang 'yung free on Monday night sa lahat ng mga napili. Whatever. I won something. At last. I am a walking improbability.
Sponsor: Kung gusto mo palang kumuha ng information tungkol sa pagpapa-botox, rhinoplasty, otoplasty, etc. whatever, check plastic surgery in Washington DC.
Postscript na OT: Meron akong mga sponsored posts, obviously, 'yung may ad sa baba. Sumali kasi ako sa BlogToProfit at kailangan kong matapos 'yung quota ko ng links sa loob ng five days. Babayaran kasi nila ako ng P150 pero link. Kaya within the next five days, magpo-post marathon ako. BTW, kung sasali ka din, use ava.square@gmail.com para sa referral. Thanks!
Sponsored: Harry Potter Transition

Look at these pics intently. May napapansin ka bang kakaiba? Just stare at it for 30 seconds or so then proceed with the next paragraph.
See it? Of course you should. Di naman pare-parehas 'yung pictures para wala kang makitang kakaiba. That's exactly it. Nagiiba na ang itsura ni Daniel Radcliffe (aka Harry Potter) kada Harry Potter movie. Kadalasan kasi sa mga movie series na napapanood ko, pare-parehas lang 'yung itsura ng actors kada new installment dahil matanda na sila. Di katulad ni Harry Potter (at 'yung iba pang cast) na clear 'yung transition from being a boy to being a young man. No prosthetics needed.
'Yung last pic pala, di 'yon mula sa Harry Potter 5. Iyon 'yung isa sa mga promotional pictures n'ya para sa play na Equus (he plays the role of Hairy Potter, kidding). Oo nga pala, di bagay sa kanya 'yung maikling buhok. Ang panget.
Sponsor: Di ko pinangarap magka-tattoo dahil masakit e. Hanggang henna lang siguro o 'yung mga free na sticker sa cereals na binabasa para dumikit sa balat. Still, if you want to make your body the canvas for this type of art, try to visit tribal tattoos
.
|
 |
|
 |
SINK #71: Live Longer
-> 'Yung mga taong nagta-take ng Glutathione supplements, mas hahaba ang buhay, according to recent studies. Nakakaganda at nakakaputi pa 'to ng balat.
|
|
|
|
 |
|
 |
|
Isa akong normal na taong
|
kumpleto naman ang parte ng katawan: tatlong mata, isang ilong, kalahating bibig, apat na tenga, walong kamay at isang paa (sobra-sobra pa nga e). Less?
 |
|
|
|
 |
Cut-rate Hosting
Join the campaign
Get FireFox
Pinoy Top 100
Pinoy Top Sites
Support Creationism
Make it happen

 |
|
|
|
 |
MSN/Yahoo Messenger:
ava_square
E-mail:
skwayred@gmail.com
ICQ#:
225525350
PEX identity:
my_identity
 |
|
|
|
 |
RSS feed URL
|
|
|
 |
ME dot INSIDE
Copyright © 2004-2005
by skwayred
Online since
March 26, 2004
10,000 hits on May 26, 2005
20,000 hits on April 10, 2006
Lahat ng karapatan ay naka-save.
 |
|
|
|
|
| |