January 29, 2006

Weirdo? Of Course!

Tinag ako ng dalawang bloggers, sila emdyey at jong para magbigay din ng 5 weird habits (or weird things about oneself na lang puwede? hehe).

Well, ito 'yung mga ka-weirduhan ko na di ko pa nababanggit dito sa blog:

  • I rarely arrange my things kaya ng workspace ko magulo. Mas nakakagalaw ako pag gano'n. Tipong kahit magulo alam ko kung sa'n ang eksaktong location ng mga gamit ko.
  • Madalas akong sumingit sa usapan ng ibang tao pero sa isip ko lang. Kunyari sa LRT may nag-uusap, sasabihin ko sa isip ko, "O talaga? Ba't mo naman brineak?"
  • I have these weird dreams na para akong nasa ibang mundo. Pag gumigising ako, minsan gusto ko du'ng bumalik. Tapos sa totoong buhay, may mga lugar o tao akong nakakasalubong na parang may nararamdaman akong affinity. Parang part sila ng mundo na nasa panaginip ko. Creepy eh?
  • May ginagawa ako para hindi mangyari ang isang bagay na ayokong mangyari. Pa'no? Iniisip ko 'yung exact scenario na ayaw kong mangyari. It's a win-win situation. Mangyari man, at least na-predict ko (I'm a psychic). Pero dahil sa hindi ako psychic (and the idea is plain BS to me), sure akong hindi 'yon mangyayari, which is good.
  • Nagbe-baby talk pa ako. Weird talaga 'to lalo na't pag narinig mo. Mwehehehe. As in. Pero dito lang sa bahay, bunso kasi ako e. Plamis. Indi ku lam kung batit indi aku makasalita ng diritsu pag kausap ku tila kuya, naynay at taytay. Huhuhu.

Tag ko sila tiamy, sigamik, glendz, ayu at sarah.

Nahuhulog Sa Pag-Ibig

Hay nako, napag-iiwanan na talaga ako.

Gan'to kasi 'yon. Madalas may nakikita akong mga babae na may mga ka-PDA sa mall, sa kanto, sa LRT station, anywhere. Hindi sa pagmamayabang pero minsan naiisip ko, mas may itsura naman ako d'yan, ba't s'ya may BF, ako wala?

Tapos sa mga kaibigan or kakilala ko, tipong mukhang walang muwang tapos malalaman kong nyaaah, naka-BF ka na? Naka-kiss ka na ng lips ng opposite gender bukod sa tatay mo? My gas!

Tingin ko talaga I'm missing a lot. 'Yung feeling na nafi-feel nila na wala akong idea kung ano. That adds to the curiosity. Ba't lagi silang lutang? Ba't ba pag inlove, ang hyper?

Honestly, hindi ko ma-picture ang sarili ko na hindi makatulog dahil sa kakaisip sa isang lalaki. Hindi kasi ako tinuruan ng parents at school ko kung pa'no ma-inlove e, wala sa curriculum. Pero WHYYYY? Para akong robot na nagwi-wish maging human. If there's something human about Bicentennial man or Sammy or that AI I-see-dead-people kid, there's something robotic about me.

Ang mahirap pa dito, ang hirap lalong maki-relate sa mga usapan. 'Lam mo 'yon, eto 'yung edad kung kelan uso pag-usapan ang lovelife. E 'yung lebel ng pag-iisip ko either isip bata o isip matanda, may missing link. Pero di na 'ko umaasang makikita pa 'yon. Hindi na. Ang missing link sa gitna ng tao at ape ay... oops syeteng evolution debate 'yan pati dito nadadala ko.

Basta, for now, dine-defy ko ang law of gravity. Di pa ako nahuhulog! Pero malay mo habang nasa ganitong state ako, may mahulog sa akin. If that'd be the case, I may then fall along with it.

Mini bilyaran


  January 20, 2006

Kaaway Sa Net

Hindi ako pala away sa totoong buhay. Actually, mukha akong mabait dahil hindi ako nakikipag-argue. Vague ang reply ko pag tinatanong ako kung nag-a-agree ako sa isang bagay na deep, deep, down in my heart eh sobrang kontra ako. Siguro. Puwede. Ewan ko. Baka. Kasi naman pag humirit ako ng, ang irrational mo naman, wala akong naging friend at mas lalo akong magmu-mukhang weirdo.

Pero dito sa internet/cyberworld/blue nowhere, lagi akong napapaaway. Wala akong pake que mapaaway si skwayred. She's invincible. Di puwedeng ma-hurt physically. Pero pakyu sa mga umaaway sa akin. Pakyu.

Tulad na lang sa PEX, Grabeh, Mukamo, Peyups, Praning o kahit sa Mapalad. Lagi na lang. I remember nu'ng nakipag-argue ako sa Praning.com dahil ang dumi-dumi na tignan nu'ng forum. Ayaw nila mag-accede sa request ko na wag silang mag-post ng nonsensical topics. Tapos ngayon, 'yung isang umaway sa akin, s'ya na ang nab-bwisit sa lumalalang gulo ng favorite forum n'ya. Ayaw kasi makinig.

'Yung mga topics tungkol sa evolution, di ko talaga pinapalagpas. So far, halos lahat ng chinallenge ko na i-prove ang evolution ay either di na nag-reply or sinabi in the end na evolution needs an act of faith. No, it's not because I am really a good arguer. It's just that it's hard to prove something that is not true. Marunong lang siguro akong pumili ng stand.

Isa pa, ayokong minamaliit ako. Oo maliit ako, pero hindi mo na ako mapapaliit pa. Kasi madalas, 'yon ang nangyayari. May isang malaking ulo ang kokontra sa sinabi ko with the assumption na tanga ako. Pero in the end, minsan, sila ang napapahiya. Gwaha-ha-ha.

Make-Over?

Ayokong nag-aayos or tinatamad lang siguro ako -- 'yung naka-blush on, eyeliner, concealer, lip balm na may kulay, etc. Ni hindi nga ako naghihikaw (dalawa lang kasi butas ng tenga ko e, gets mo?)

Feeling ko tuloy mas maarte pa ako sa mga nagme-makeup. Tipong nag-iinarte. Eh sa ayaw ko e. Pakiramdam ko kasi, natatakpan 'yung totoong itsura ko. Ayokong nasasabihan na maayos lang itsura ko dahil lang sa make up. Paano pag nagsara lahat ng cosmetic shops (na may .0000000000001 probability of happening). PANO?!

Tapos di ko pa carry. Naka-make-up ako tapos naka-get up na parang chic pero itsura at kilos ko naman hindi akma. Kapal naman ng mukha ko.

Pero of course, wino-wonder ko din minsan kung ano ang itsura ko kapag nagpa-make-over ako. Tipong major overhaul. Hm (hindi ko 'yan gano'ng pinag-isipan kasi isang 'm' lang), malamang mag-i-improve ang itsura ko. Type ko pala 'yung make-up ng mga babaeng punk. Rawwr.

Ang conclusion ko (na hindi base sa nakasulat sa taas at wala gano'ng relasyon sa title), kaya siguro make-up ang tawag sa make-up -- to make up for what is lacking. Whatever.

Postscript na OT: Try mo pumunta sa Zero Peso Homepage. 'Tas magpa-advertise ka ng blog. Makikita mo din sa grid ang isang unfamiliar icon na kulay green.

Mini bilyaran


  January 7, 2006

2006 Na?!

Sa lahat ng taon na dumaan, alam mo bang 2005 ang pinakamabilis para sa akin? Parang kahapon lang 'yung 2005. Kakapaputok lang namin ng fountain, tapos eto na naman. Relativity at work? Siguro.

2006 na, panibagong year na naman ang ilalagay ko sa mga test papers at quizzes. Imbis na 05, 06 na. New calendar na naman. Heh. Anyway, laging may flashback of the bygone year pag bagong taon. E ayoko nang balikan pa ang past. 'Yung mga plano ko na lang this year 'yung babanggitin ko:

  • Read more books. Babasahin ko na ang mga novels na matagal ko nang gustong basahin.
  • Play more video games. Susulitin ko na ang last year nang PS2 games sa market dahil magkaka-PS3 na next year.
  • Gumawa nang wallpaper-quality na deviation sa deviantart. Kakayanin ko 'to (sana).
  • Magtitipid. Ihihinto ko na ang impulsive buying.
  • Ihinto ang masyadong pag-w-worry, it really ruins my life.
  • Mag-p-practice magsalita in English. Hindi kasi ako sanay pag oral.
  • Dalasan ang pagb-blog (na di ko laging natutupad).
  • Magsusulat na ako ng lectures.
  • I'll stop procrastinating... umm next year na lang kaya?
  • Kakapalan ko na mukha ko. Yes, shy type ako e, so t-try kong kapalan ang mukha ko nang konti.
  • Magpapaka-health conscious.
  • Maging affectionate.
Whew. Ayan lang. Abangan na lang next year 'yung result. O 'yan may mai-e-entry na ako for January 2007. Salamat pala sa lahat ng mga bumisita last year dito sa blog. Pinakita n'yo sa aking somewhere out there, beneath the pale moon light, may nakaka-relate pala sa akin. Pinaligaya n'yo ako nang husto. Muwaah! *mutates into a Yeti and runs off to the deepest part of the Himalayas* Di ko ata kaya 'yung pinaka-last item sa plan ko.

HAPPY NEW YEAR PALA!
Por-nood Part I

Pag chine-check ko 'yung mga keywords na nagli-lead sa ibang tao dito sa site ko, hindi mawawala ang "porn" sa bawat month. Gawd. Eh wala naman akong dini-discuss dito tungkol sa porn. Nababanggit ko lang (ayan o kakabanggit ko nga lang ulit). Dahil naaawa ako sa kanila, sige na nga. This time, I'll say something about it. Not for minors 'to.

First time kong naka-glimpse nang isang pornographic scene nu'ng bata pa ako, mga 5 y/o. Na-shock ako! Kahit sa edad kong 'yon, I felt gross. Parang may hindi tama. Ba't 'yung isa hindi alam kung sa'n ang headboard at sa may bandang paanan umuulo?!

Anyway, isa sa mga napanood ko 'yung Makati scandal. Astig. Parang nasasaktan na 'yung babae (hindi naman s'ya mukang masochist). Eh ang laki-laki ng dick nu'ng kano no! Hello? Parang kasing laki ng mic 'yung pinapasubo n'ya, pano'ng di magkakasya? Suck it s'ya ng suck it, gago, ma-suckit na daw!

Tsaka mga school scandals, japanese, 'yung kay Ethel Booba ("...it's a wreck") 'yung kay Heart (daw), kamasutra, hardcore, bangbus (di ko sure 'yung term, basta may van sila tapos namumulot sila nang makaka-sex), girl to girl (wala pa namang boy to boy), napanood ko na din. Ang tanong, nag-e-enjoy ba ako?

Hell yes! Hahahaha. Sa umpisa. Ang favorite kong part eh kung pa'no nila sisimulan, 'yung naguusap pa lang or sine-setup pa lang 'yung camera, maghuhubad pa lang, etc. Pero pag 'yung mismong banging scene na, nag-s-start nang mag-contort ang mukha ko. Maririnig mo na din akong magsabi ng eeeeew, yak, kadiri, eeeeew, yak, kadiri.

Nakakainis akong kasama manood nang porn 'no? Nyehe. Sa Part II ko na sasabihin ang views ko tungkol sa moral implications ng porn. Sa ngayon, may isa lang akong conclusion. Some pervert will soon find his/her/its/his-her way here soon.

Mini bilyaran


May iniisip.

Ang website na ito ay naglalaman ng mga kuro-kuro, pananaw sa buhay, kwentong (may kwenta at wala), at kung ano pa mang bagay na maisip ng nilalang na nasa larawan. Kung hindi ka maka-relate, edi hindi.

Name:

E-mail Add:

Question:


Easy Online Form Builder

Quotations


"Success always occurs in private, and failure in full view."
- ?

SINK #36:
How A Geisha Sleeps

-> (Di ko sure 'to nabanggit lang ni classmate.) Ang mga geisha daw pag natutulog 'yung ulo nila naka-unan sa kahoy. In that way hindi nagugulo ang ayos ng buhok nila.

Magbilang tayo...
Isa akong normal na taong
kumpleto naman ang parte ng katawan: tatlong mata, isang ilong, kalahating bibig, apat na tenga, walong kamay at isang paa (sobra-sobra pa nga e). Marami akong gustong gawin sa buhay ngunit... ngunit... ganda ba ng kamay ko?

NEW POLL!
Are You Beautiful?
Yes, I am, inside-out.
Yes, physically, but I am a bitch.
Yes, I am beautiful, only on the inside.
No, I'm an ugly duckling, insides out if you want!
Of course not, for I am handsome! (...and a cornball.)
Current Poll Results
Previous Poll(s) Results

Cut-rate Hosting
Join the campaign
Get FireFox
Get Firefox!
Online Job
Make it happen
Banner

Skwayred Zone

Lower Higher - short story
My Deviant Art - artworks
Forboding Plains - short novel
Ikaw Pa Din Ang Iibigin Ko - piano record
If We Hold On Together - piano record


MSN/Yahoo Messenger:
ava_square
E-mail:
skwayred@gmail.com
ICQ#:
225525350
PEX identity:
my_identity

RSS feed URL

Statistical Report Provider

Free Website Counters
nandito ang nilalang

ME dot INSIDE

Copyright © 2004-2005
by Skwayred
Online since
March 26, 2004
10,000 hits on
May 26, 2005
All rights reserved.