Lahat naman yata na-encounter 'tong term na 'to sa HS physics class nila -- entropy. Ito, in layman's term, eh 'yung measure of disorganization (of heat). 'Yung simpleng demonstration nito eh 'yung pagkaluma ng building, pagkasira ng mga gamit at 'yung pagiging magulo ng arrangement ng mga gamit pagtagal. All things eh ganito ang tendency -- to disorganize.
Nakakatamad mag-ayos ng gamit dahil gumugulo sila ng kusa. Sa isang taong tulad ko na tinatamad sa mga bagay na nakakatamad (like arranging things), this is to be expected. Kaya ang ginagawa ko, pinapa-accumulate ko 'yung mess. Then, pag sobrang messy na (tipong nakakadapa na), saka ko na sila aayusin.
Tsaka kasi marami akong ginagawa at iniisip. Kaya para sa 'kin arranging things that are bound to disarrange themselves is a waste of my time. Anyway, di naman sobrang sabog 'yung gamit ko pero di katulad ng mga bag ng most girls, maraming makikitang candy wrapper, crumpled paper, resibo, takip ng ballpen at coin sa ilalim ng bag ko. Parang shinake 'yung mga gamit sa loob ng bag ko minsan.
'Yung time naman na naco-consume sa paghahanap ko ng gamit (dahil nga magulo), na-co-compensate naman ng di ko pag-consume ng oras sa pag-aayos ng gamit. Quits lang.
Pero napa-isip ako. Ba't kaya di na lang naging baliktad? Life would be easier that way. Sana umaayos na lang ang mga bagay kapag tagal. Kapag gano'n, masasabi ko na, "Don't worry, things will sort themselves out," ng walang pagaalinlangan.
Sponsor: Dito sa George Lindemann Jr., may mga art na mukhang mess (or gawa sa scrap materials) pero napaganda nila. Karamihan sa mga art d'yan eh oriental 'yung style. Kaya kung mahilig ka sa mga Eastern 'yung theme ng painting, try mo tignan.
Postscript na OT: Inilipat ko na 'yung tagboard sa may taas. Matagal ko nang gustong gawin 'yan pero ngayon lang ako sinipag magbuhat. Wala kasing nakakapansin kapag nasa baba s'ya.
Kaso lately nalaman kong may YM account pala bawat segment ng RX 93.1 (station na lagi kong pinapakinggan sa office, puro kasi bago kanta). Na-reawaken na naman 'yung dati kong pangarap. Wala namang mawawala (yes, kahit enerhiya sa pag-t-type; remember energy cannot be destroyed) kaya nag-PM ako. It wooorked! 'Yung PM ko ginawa nilang PM as in Public Message. I am now famous! Ha-ha-ha! Right.
Anyway, bawat segment nila eh may Q&A portion kaya sinagutan ko lahat. Lahat naman na-mention nila. Pero namula ako ng sobra no'n sa kinauupuan ko dahil minention 'yung buong pangalan ko 4 freaking times sa All Acces at 2 times sa Jumpstart (I am a very private person, kaya nga nag-PM lang ako). In my mind, I was screaming, "Sheet, tama na!" Nu'ng unang segments kasi, first name ko lang ang binanggit tapos may twang pa 'yung pronunciation so ang layo talaga sa kung pa'no talaga bigkasin 'yung name ko. And then, all of a sudden, this DJ correctly pronounced my whole name? The cold sweat!
Sigurado akong nalimutan na ako ng mga radio jock na nagbasa ng greeting at opinions ko. Alam ko din na walang ni isang listener ang nakaalala ng name ko o sa kung ano man 'yung sinabi ko. Alam ko 'to kasi wala din naman akong pake sa mga taong naririnig kong mag-greet. I forget about them the moment the last letter of their names were uttered. In-e-expect ko din na gano'n din ang iba sa akin. No hard feelings. *sniff*
Sponsor: Maraming restaurants malapit sa office namin. Halos naubos na 'yung allowance namin kaka-try kumain sa mga restaurant do'n. Pa'no pa kung malapit din sa amin 'yung restaurant in La Jolla? The menu is really tempting. Sana meron ditong branch.
Postscript: Sa mga gustong mag-try d'yan ito 'yung YM accounts nila (na naka-add sa akin): Jumpstart931, Daily_Survey at All_Access1




























