Nu'ng nagdo-dorm pa 'ko, nagkaron ng time na pinakita sa 'min ng ibang dormmates ko 'yung future nila. All they did was to take off their bras and viola, may two crystal balls agad! Kitang-kita talaga 'yung hinaharap.
Di ko sure kung ano 'yung pinag-usapan namin nu'ng time na 'yon, I guess it was about sex, then out of the blue, bigla na lang nag-daring-an. Eh dahil sobrang magkaka-close na kami no'n, wala nang malisya. 'Yung makakapal 'yung mukha, nagpakita ng boobs. Na-shock ako. First time kong makakita in person ng boobs ng ibang tao na di nakalabas for breastfeeding but for display. Kahit babae din ako, my eyes grew as wide as the Ngorongoro Caldera.
Ang totoo n'yan nahawakan ko 'yung iba. Hindi ako manyak at lalong hindi ako nakahagap ng pleasure out of it. Sila lang talaga 'yung nagsabi na puwede daw hawakan so out of curiosity, hinawakan ko. I just prodded them with my finger, di ko naman kinup (cup) or sinakmal sa kamay ko.
Naalala ko lang. Things like these happen in dormitories ('yung dorm ko dati ward type, marami sa isang room, we were about 17). Normal din 'yung may naglalakad nang naka-undies lang. One time nga may nagsuot pa ng see-through lace panty so kita 'yung kung ano man ang ka-expe-expect na makita do'n. Wala namang benefit sa akin 'to dahil babae ako (or genderless/neuter). If I were only a man, a bi or a lezbo.
Kaya Pala Nauubos
P1000 ang baon ko per week. Tapos every 15th day of the month, binibigyan pa ako ng kapatid ko ng P500. So dapat, malaki naiipon ko. Pero hindi, which is a mind-racking mystery for me. Sherlock Holmes where art thou?
Eto gagawa ako ng budget ko every week (ngayon ko lang gagawin, publicly pa). Every week, P330 pala nagagastos ko para sa transpo. Sa food P200-250 lang dahil once a week lang ako kumakain ng lunch (isang araw lang kasi ako may break).
'Yung natitirang P420, napupunta pa sa pabili-bili ng libro, magazine o 'yung mumurahin at maliliit na bagay (keychain, P25 load, etc.). So justified pala talagang wala akong naiipon.
Sabi nga nila di ka magkakaron ng P1M kung di dahil sa P1.00. In my case, hindi ako magkakaron ng P0.00 kung di din dahil sa P1.00. I mean 'yung pakonti-konti kong gastos, nag-a-accumulate pala talaga kaya nauubos 'yung funds ko. Tignan mo, feeling ko 'yung P20 na FX fare wala lang. Di ko nare-realize na P200 a week pala 'yon, a big deduction on my allowance. Hangga't di kasi lagpas P20 'yung ginastos ko, pakiramdam ko walang nababawas sa pera ko.
This is what I now call, mura-lang-naman-'yan mentality. Kaya ang ginagawa ko ngayon, pag P20 'yung isang bagay, tini-treat ko na na mahal s'ya. Mukha na tuloy ako ngayong kuripot. Pero tignan mo, may nasa-save na akong P2500 as of this writing.
[]
July 22, 2006
Curiosity Discovered The Cat
Up to now, naaatim ko pa ding mag-stare sa linya ng langgam nang 1 minute or more. Minsan, tine-trace ko pa din kung sa'n nanggagaling 'yung mga langgam. Di para i-exterminate sila ah, curious lang talaga 'ko.
I also often find myself staring intently on common small objects (beads, dumi, magnet, patay na lamok, etc.). As in nilalapit ko 'yung kamay ko sa mata ko as if fossils sila ng Archeopteryx. Na-realize ko lang na oo nga common at familiar sila, but so what? An unexamined familiar thing remains an unfamiliar thing.
Kahapon nga, nakapila ako sa sakayan ng FX, eh ang tagal-tagal dumating nu'ng FX. Dahil naiinip na 'ko, tumingin ako sa isang bagay na interesting para sa akin, 'yung canal. Medyo pasulyap-sulyap lang ako kasi I know how weird that might have looked like -- a girl aged 19, staring intently on muck-filled canal. Naaaliw ako kasi may maliliit na isda. Iniisip ko at that moment kung pa'no sila nakaka-survive do'n eh ang dumi-dumi ng habitat nila.
Nu'ng bata din ako, mabutingting ako. Kinakalas ko 'yung mga gamit na sira na tapos tinitignan ko 'yung mga parts. Meron nga akong lalagyan dito na puro parts ng clock, remote control, diskette, etc. Balak ko nga silang pagdugtong-dugtungin in the future. (Gagawa ako ng robot out of scrap materials.)
Again, people find this trait odd, lalo na kung grown-up ka na (pag bata kasi ang curious, nakakatuwa). Pero di dapat gano'n. Kundi dahil sa mga curious na tao (di lang tumitingin sa canal kundi kukuha ng isda mula sa canal para pag-aralan), we wouldn't have books on biology, chemistry or physics. If not for them wala sigurong mga gamot sa sakit, wala tayong daily weather forecast at wala din tayong mga gadgets (like iPods, mobile phones and PCs).
You see, a curious child discovers how an invention works out. A curious man discovers how to work out an invention. (Papa-patent ko 'tong saying na 'to!)
Hindi Mabuti Ang Mabait
Hindi ko sinasabing hindi mabuti ang mabait, ang sinasabi ko, hindi mabuti ang mabait, meaning di sila synonymous.
Madalas akong sinasabihan ng mga tao na mabait daw. Yes, I am nice but I am not a good person. Magkaiba nga kasi 'yon.
'Yung mababait sila 'yung mga naghuhulog ng coins sa mga donation cans sa department stores. 'Yung mabubuti, sila 'yung mga mismong gumawa at naglagay ng mga donation cans sa department stores.
Another example. 'Yung mababait nagbibigay ng isa or dalawang sagot sa test. 'Yung mabubuti tuturuan ka nila ng lesson para di mo na kelangan pang humingi ng isa o dalawang sagot sa mababait.
Di din ako madaling magalit kasi I don't really care. Others interpret this as goodness which is wrong. Again, isa na naman 'tong difference. 'Yung mabubuti, nagagalit 'yan lalo na pag alam nilang may mali talaga sa ginagawa mo. Yes, because they care for you. 'Yung tulad kong mabait lang, kahit mali 'yung ginagawa mo, di ako magagalit. Kasi nga mabait ako. What the heck.
In a nutshell: Ang mabait, mabait sa lahat pero di mabuti sa lahat. Ang mabuti, mabuti sa lahat pero di mabait sa lahat.
[]
July 13, 2006
Retreat Sa Baguio
Matagal akong di nakapag-entry dahil nag-retreat kami sa Baguio for 3 days and 3 nights. Last Saturday night lang ako nakabalik sa sibilisasyon. Ngayon lang ako nakapag-entry ulit kasi nagkasakit naman ako for 2 days and 2 nights after no'n.
Hindi ako naaliw sa retreat kasi para lang kaming nagthe-Theology class. Puro lectures or I should say parang nagho-homily lang 'yung pari nang napakatagal. Ang ginawa ko na lang, nu'ng mga time na pinapapikit para mag-meditate, natulog ako at nanaginip. Nu'ng ginising ako, sabi ko sobrang lalim ng pagkaka-meditate ko kaya mukhang natutulog ako.
May ikinatuwa naman ako kahit pa'no. Maulan kasi no'n, so imagine the cold foggy breeze that slapped our faces. Du'n lang lumabo 'yung paningin ko nang di ko sinasadyang i-blur s'ya. Sobrang lamig pag madaling araw at gabi.
Tapos may activity din na pinagawa sa amin wherein binigyan kami ng pieces of colored art paper. Bawat color may message tapos bahala kami kung kanino namin ibibigay 'yung bawat piraso ng art paper. Ang dami kong na-receive na "Ang galing mo" (orange) at "I admire you for what you are" (violet). Assuming na sincere sila, natuwa din ako.
Ako naman hirap na hirap. May mga "You bring out the best in me" (black) and "I'm sorry let's start life anew" (green) kasi. Di nga kasi ako affectionate. Wala din akong pagso-sorry-han dahil I did nothing wrong, lalo na something gravely wrong na kelangan ko pang sabihing, ". . .let's start life anew."
Then akala ko wala nang open forum pero meron. I don't like open forums. In my superior opinion, di tama na ipa-reveal sa lahat 'yung away ng dalawang tao. Dapat i-settle nila 'yon ng sila lang. Tapos tingin ko lalo lang lumalaki 'yung away pag nago-open forum. Labasan lang naman ng sama ng loob 'yon eh. Tingin kasi ng iba: Labas ng sama ng loob = Bati na. Di kaya, tingin ko: Labas ng sama ng loob = Start pa lang ng away. Tsaka ano naman kung magkaaway sila, it's their right to not like each other.
Pero in fairness, naiyak ako. Ito 'yung first open forum na umiyak ako, promise. Papaiyakin daw kasi nila ko sa open forum, so imbis na sila magpaiyak sa akin, ako na lang nagpaiyak sa sarili ko.
Lost in Thought Without You-hoo
Di dapat lost in thought 'yung description ng isang taong absent-minded, dapat lost in the physical world. Iyon kasi madalas nangyayari pag nagiging absent-minded ako. Nalilimutan ko kung asan na ba 'ko.
Ito madalas mangyari. Iniisip ko na bababa ako ng hagdan dahil kukuha ako ng tubig. Nasa baba kasi 'yung fridge. Pero may time na pagkababa ko, nalilimutan ko kung ano nga ba 'yung dahilan kung ba't ako bumaba. Kelangan ko ng mga ilang seconds para i-trace back 'yung reason.
Minsan lumalagpas ako sa bababaan ko sa jeep or fx. Madalas akong nakakalimot ng birthday or ng special occasions. Minsan pag kausap mo ko, di ako nakikinig (nalilimutan kong may kausap pala ako). Madalas ko ding nalilimutan kung sa'n ko nilagay 'yung isang bagay, lalo na pag maliit lang (nu'ng moment na nilapag ko s'ya may ibang bagay akong iniisip). Maraming beses na din akong muntik masagasaan (di ko napapansing di na pavement 'yung nilalakaran ko).
Dati, kukuha dapat ako ng kutsara pero ang nakuha ko baso. Nu'ng nasa taas na 'ko ng stairs, saka ako nagtaka kung ba't baso 'yung inakyat ko. May instance din na may inilagay ako sa fridge na pagkain pero pati 'yung ibang hawak ko na di dapat kasama, na-isama ko. Nu'ng nakita kong nakalapag s'ya du'n sa tray, saka lang ako nasho-shock kung ba't s'ya ando'n.
Dati nga may hinawakan akong watch kasi isusuot ko s'ya kaso biglang may naisip akong ibang bagay. Nu'ng bumalik na 'ko sa ulirat, naalala kong may gagawin ako bago ko naisip 'yung kung ano man 'yung inisip ko. Hinanap ko pa ng mga ilang seconds sa lamesa 'yung bagay na magpapa-remind sa 'kin ng kung ano mang gagawin ko. Saka ko lang naalala nu'ng napatingin ako sa kamay ko.
Tapos dati din, 'yung straw 'yung hinawakan ko imbis na 'yung plastik kung sa'n nakalagay 'yung Coke kaya tumapon tuloy 'yung Coke sa asphalt. Inabot kasi 'yon sa 'kin, eh may iniisip akong ibang bagay at that moment so hinawakan ko s'ya as a normal object na pag hinawakan mo 'yung isang part, sasama lahat. I failed to recognize the property of the object that was being handed to me because I was thinking about something else.
Feeling ko tuloy ang yaman ko kasi ang daming nagsasabi na may sarili akong mundo. I mean, oblivious kasi ako sa physical world madalas e it's as if I'm living in another world inside my head.
[]
Ang website na ito ay naglalaman ng mga kuro-kuro, pananaw sa buhay, kwentong (may kwenta at wala), at kung ano pa mang bagay na maisip ng nilalang na nasa larawan. Kung hindi ka maka-relate, edi hindi.
kumpleto naman ang parte ng katawan: tatlong mata, isang ilong, kalahating bibig, apat na tenga, walong kamay at isang paa (sobra-sobra pa nga e). Less?