June 26, 2006

On Being a Friend

Napapansin ko lately na di na ako nagiging mabuting friend sa iba kong friends. Tsaka nakakahanap na sila ng ibang taong mas ka-wavelength nila.

Tignan mo, pag pupunta kasi kaming mall, sa apparel shops nila gusto pumunta, ako ayoko do'n dahil di ako mahilig sa mag-shopping ng damit. Wala naman kasing nakasulat du'n sa likod nu'ng damit kung bagay ba s'ya sa akin o hindi. ('Yung mga damit ko puro padala lang ng nanay ko. Maganda kasi taste nu'n eh.)

Madalas din nila 'ko niyayayang gumimik o kaya pumuntang resort. Eh ayoko kasi either ayoko lang talaga or may kasamang mga di ko ka-close. Ayoko ng gano'n kasi di ako mag-e-enjoy at di din mag-e-enjoy 'yung iba. Eh sila kasi, may mantra na, pag mas marami, mas masaya. Right, kahit di naman nila ka-close 'yung kalahati.

Pag nagkakausap-usap naman kami, feeling ko wala akong naco-contribute. Real friends talk about their lives and their problems, hindi ba? Sa mga eksena sa TV, 'yung mga super close na mag-f-friends, mag-iiyakan tapos maghu-hug. Never in my entire life na nagkaron ng gano'ng eksena. I suck in giving pieces of advice. Or to be more accurate, I suck at listening to stories that require me to give pieces of advice. Inaantok ako.

Tapos di naman kasi ako consolatory na tao. Masasabi ko siguro sa friend ko na, "Kaya mo 'yan." S'ya lang, di ako kasama. Ngahaha. I mean di ko masasabi 'yung, "Kakayanin natin 'yan. Nandito naman ako e." Makes my skin crawl. Sabi ko nga dati, di ako affectionate. Wala sa vocabulary ko 'yung muwah, lav yah, miss you, di kita pababayaan, etc.

Alam ko may mali sa akin. Hindi ko sila hindi mahal (hindi ko talaga masabi ng diretso). Minsan lang talaga di ko nasasakyan 'yung trip nila at minsan wala akong kwentang kausap (or the egotistic reply, sila 'yung walang kwenta kausap at sila di makasakay sa trip ko). Walang kwenta in a sense na minsan, puro out of this world 'yung lumalabas sa bibig ko at kulelat ako pag dating sa practical na buhay or happenings.

Anyway(z), phase lang siguro 'to. Nothing serious really, naisip ko lang kasi kung ba't never pang may umiyak sa harap kong friend ko. Feeling ko kasi it's the true test of friendship eh. Pag kaharap ko kasi sila, most of the time, they laugh.

Thinkin' of You

Tinanong ako ng classmate ko one time kung pa'no ko daw malalaman kung nag-iisip ang isang machine. Sabi ko pa'no? Gan'to daw, you are to talk to two parties. Isa do'n machine, isa do'n tao. Pag di mo ma-differentiate kung alin sa kanila ang tao o machine when you talk to them, then meron na tayong machine that really thinks. Ah, sabi ko sa isip ko, the Turing test.

Ito 'yung mga ilan sa kilala kong pumasa sa test na 'to -- Hal 9000, Proteus, Bicentennial Man, David at si Marvin. All are fictional machines or robots. Di ko alam kung si Deep Blue, 'yung tumalo kay Kasparov sa chess, nakapasa. Di ko sure kung nakakausap ba 'yon. Malamang hindi.

Anyway, marami pang gaping holes 'yung Turing test. And personally, I don't think machines think the way we do. Sandamakmak na if-then-else lang 'yon 'no. And a machine has no consciousness. For a thing to be able to think, kelangan aware s'ya na nag-iisip s'ya. And to be able to have consciousness, a thing must be alive. When a thing is alive, then it is no longer a machine but a living thing. Tingin ko nga "thinking machine" is an oxymoron. (So is a "living thing" but this is anther story.)

'Nga pala, bago nila i-Turing test ang isang machine, i-Turing test muna nila tao. Baka mamaya di pa pumasa kasi minsan may mga taong parang machine kausap.

Mini bilyaran


  June 19, 2006

Mensa Update

Nu'ng May 6, 2006, mag-isa lang akong umalis dito sa bahay. Dapat didiretso na 'ko sa UP Diliman para mag-take ng Mensa exam kaso ang aga pa kasi. 2.00 pm 'yung nilagay kong time du'n sa application form, eh mga 11.00 am pa lang. So, inisip ko munang kumain sa foodcourt ng SM Cubao dahil nakakapagod din namang pumunta sa foodcourt ng SM Cubao para kumain. Grahaha. I ate grilled pork then I left.

Di ko na papahabain. Naligaw ako pero nakarating ako sa UP Hotel just in time. Brinief ako, along with another guy Mensa taker (mukhang matalino), nu'ng isang old guy na mukhang professor ng physics (he gave us two choices, long or brief briefing, natawa s'ya sa sinabi n'ya). Then I took the test.

Natuwa ako sa first set of questions. I almost laughed an evil laugh sa dali. Nagtaka ako actually kung bakit puro naka-fill in the blank stare 'yung mga kasama kong nagte-test. I continued answering and laughing evilly (sa utak ko), that is, until I arrived at question no. 19. Pag madali 'yung exam, I rarely make unnecessary movements, pag mahirap I make necessary movements.

Lumikot na 'ko sa upuan ko. Tinignan ko 'yung proctor na babae dahil itsura pa lang n'ya at 'yung mga books na nasa table n'ya, alam ko ng matalino s'ya. Tinry kong humagap ng brain waves, di lang sa kanya kundi pati du'n sa ibang nag-t-test. Syet, ang hirap. Tama 'yung nag-brief sa amin, pahirap ng pahirap nga 'yung questions -- the last being the hardest.

Natapos ko s'ya after 1 1/2 hour(s) of nail biting, head scratching and brain waves catching. Puwede ko na sanang tignan 'yung results du'n sa site 3 days after kaso ayoko. Incomplete kasi 'yung results du'n (I mean di naka-state kung pang anong percentile). So sabi ko iintayin ko 'yung letter. Now, my wait is over. Just this morning, na-receive ko na 'yung tangnang letter na ang tagal-tagal kong hinihintay.

You see, di ako umabot. Nasa 97th percentile lang ako. Kung mas ginalingan ko lang 'yung brain wave catching baka nakapasa ako. Pero ayos na din kasi nga 1 percentile lang ako nag-fall short (though di ko alam kung ilang mistakes 'yung equivalent no'n). Baka mag-retake ako kasi sabi ko dati pag nasa 96th-97th percentile ako, mag-reretake ako. If it is a close match it would be reasonable to do a rematch. It turned out to be a close match so may rematch. Sayang eh. Di ba may point ako? He-he.

Sa Loob Ng Net

'Yung fish, pag hinuli s'ya ng net (okay, 'yung taong may hawak ng net) du'n s'ya nagpupumiglas kasi na-f-feel n'ya na di na s'ya free. Di s'ya free kasi di na s'ya makakalabas pa mula du'n sa net at di din s'ya free kasi ibebenta s'ya.

Ako baliktad, dito ako sa net nagiging free. Kasi nga dito ko naipapabasa kung ano ba 'yung mga talagang nasa isip ko. Wala ditong joke. Minsan nga, feeling ko, 'yung mga nagbabasa dito, mas kilala pa ko kaysa sa kahit sinong kakilala ko sa real world. May telephatic powers 'yung mga nagbabasa dito kasi you're reading my thoughts.

Totoo namang my thoughts describe me, not my body or its gestures. To put it simply, I am my thoughts. Kumbaga hindi ako body na may mind. Mind ako na may body (revision of the quote I once read: "I don't have a Soul. I am a Soul, I have a Body.") Same thing goes for everyone.

'Yung mga kakilala ko kasi sa real life, kumbaga kung cube ako, isa or dalawang side(s) lang nakikita nila. Ang totoo n'yan, lahat ng sinasabi ko dito, though open to virtually anybody na may access sa internet eh hindi ko sinasabi sa mga kakilala ko. (That's why I use a pseudonym, just in case.)

'Yung nakikita lang kasi nila madalas eh 'yung certain organization ng atoms that forms a physical me. On the other hand, 'yung mga nagbabasa dito, nakikita nila 'yung totoong ako dahil they're reading my thoughts or rather, they're reading me dahil 'yung iniisip ko at ako eh iisa. Hence, truth is, people who read this blog have seen me in person, 'yung mga kakilala ko sa totoong buhay, they haven't. Isa na naman itong irony.

Mini bilyaran


  June 9, 2006

Out of the Cyber Planet

Nu'ng Saturday ng gabi, may i-sesend dapat akong importanteng document sa teacher ko through e-mail. Matagal-tagal ko ding pinag-isipan kung ise-send ko na ba o hindi pa kasi parang may mali sa grammar. Pero iyon nga, sa tinagal-tagal nu'ng pagp-proofread ko, nag-decide na 'kong ise-send ko na nga s'ya. So priness ko na 'yung "send" button. The moment I pressed the button, there came a blinding flash of light. Na-disconnect ako. The message was not sent.

Nu'ng gabing 'yon kasi, umulan dito sa'min ng sobrang lakas. Kaya bwisit na bwisit ako na tinamaan yata ng kidlat 'yung linya ng telepono the moment na ise-send ko na 'yung e-mail. Ba't di ko na lang kasi sinend mga 3 seconds earlier? O ba't di na lang 3 seconds later nagkiskisan 'yung electrons sa sky? Ang liit naman ng probability na magsasabay pa sila. The hell.

Anyway, so iyon nga, di ko na-send pero di talaga 'yon 'yung problema ko. Naibigay ko naman kasi sa teacher ko 'yung soft copy nu'ng Monday. Ang kinalungkot ko, di ako nakapag-internet for five (5) days straight. Nasira nga kasi 'yung phone line. Mabuti nga at wala namang masamang reaction 'yung katawan ko the whole duration ng out-of-cyberworld trip ko. But as usual, nakaka-homesick.

Mahirap pala talaga pag nasanay ka nang naka-online everyday. Para bang kahit anong gawin ko, bored pa din ako. Iba pa din pag online eh -- 'yung forums, 'yung blogs na binabasa ko, 'yung blog ko, email, websites, etc.

At sa cyberworld just be gone for 5 days, it's like you've been gone for a year when translated to real life. S'yempre exaggerated 'yan pero you get the idea. Promise, parang ang daming nangyari. Ang daming blogs na updated, may messages din ako sa Friendster (na very rare nangyayari) tapos 'yung threads sa mga forum, ang dami nang reply. Kelangan ko mag-catch up.

Stranger Sa National Bookstore

Last Saturday nasa NBS ako (isa sa favorite kong hang-out, medyo malapit kasi sa amin 'yung isang branch) tapos nagpunta ako sa Manga section (anime comics). Meron du'ng medyo chubby na babae na naka-salamin na tumitingin din ng comics. She said, "Sounds interesting." Nu'ng narinig ko 'yon, sabi ko sa isip ko, "Baka looks interesting." Tinignan n'ya kasi 'yung comics di n'ya naman pinakinggan.

Hindi d'yan nagtatapos 'yung encounter ko with her. Pagkadating ko kasi sa section na 'yon, nando'n na s'ya at tsaka isa pang babae (na katabi n'ya). Nu'ng papalapit ako, naririnig ko nga s'yang nagsasalita. Sa isip ko naman, pag nagsasalita ang isang tao at may katabi s'yang isa pang tao, ibig sabihin kinakausap n'ya 'yung tao na 'yon at magkakilala sila.

Hindi pala. Nu'ng medyo lumayo kasi 'yung katabi n'yang babae, pumalit ako sa pwesto nu'ng babae na 'yon dahil 'yung Manga comics na bina-browse n'ya previously eh gusto ko din i-browse. Then to my surprise, the chubby girl didn't follow her and she kept talking.

Sabi n'ya ang mahal daw nu'ng comics. Kala ko naman e sobrang extroverted lang nu'ng tao kaya 'yung mga bagay na dapat sa isip lang sinasabi (like one's opinion about book's price), binibigkas n'ya. Hindi pala, ako pala kausap n'ya. S'yempre, dahil di ako rude, kinausap ko din s'ya. Nasabi ko pa na tumitingin lang ako du'n sa section na 'yon dahil mahilig ako mag-drawing ng anime.

Anyway, dahil feeling ko di s'ya hihinto sa pagkausap sa akin habang katabi ko s'ya (not now na nakakita s'ya ng "connection" or "spark"), dahan-dahan akong nag-move sideways. Nag-open ako ng mga libro matapatan ko para naman di halatang nilalayuan ko lang s'ya. Then, she too went away.

Don't get me wrong. Natuwa ako sa kanya dahil mukhang mas weird s'ya sa akin. Di lang talaga ako sanay nang may kumakausap sa aking taong di ko kilala at may kinakausap akong taong di ko kilala, tungkol pa sa libro. Ang geeky.

Mini bilyaran


May iniisip.

Ang website na ito ay naglalaman ng mga kuro-kuro, pananaw sa buhay, kwentong (may kwenta at wala), at kung ano pa mang bagay na maisip ng nilalang na nasa larawan. Kung hindi ka maka-relate, edi hindi.

Name:

E-mail Add:

Question:


Easy Online Form Builder

Quotations


"'Criminal Lawyer' is a redundancy."
- ?

SINK #53:
Silicon Man?

-> Kahit na pinapakita sa Star Trek na maaaring may mga living things sa ibang planet na silicon-based (tayo kasi carbon-based), hindi ito realistic (of course). Hindi kasi mag-s-stick ang certain atoms to form large molecules kung di carbon ang gamit.

Magbilang tayo...
Isa akong normal na taong
kumpleto naman ang parte ng katawan: tatlong mata, isang ilong, kalahating bibig, apat na tenga, walong kamay at isang paa (sobra-sobra pa nga e). Less?

NEW POLL!
Do you look better on photos or mirrors?
I look better on mirrors, I wonder why my photos are so ugly.
I look better on photos, e.g. my zits are not that evident.
I look gorge-ous on both.
I am ugly. It doesn't matter on what surface I see it.
Current Poll Results
Previous Poll(s) Results

Cut-rate Hosting
Join the campaign
Get FireFox
Get Firefox!
Pinoy Top 100
pinoy
Pinoy Top Sites
Support Creationism
Make it happen
Banner

My Library Thing - list of books
Lower Higher - short story
My Deviant Art - artworks
Forboding Plains - short novel (?!)
Ikaw Pa Din Ang Iibigin Ko - piano record
If We Hold On Together - piano record
Weekend in New England - piano record


MSN/Yahoo Messenger:
ava_square
E-mail:
skwayred@gmail.com
ICQ#:
225525350
PEX identity:
my_identity

RSS feed URL

Statistical Report Provider

Free Website Counters
nandito ang nilalang

ME dot INSIDE

Copyright © 2004-2005
by skwayred
Online since
March 26, 2004
10,000 hits on
May 26, 2005
20,000 hits on
April 10, 2006
All rights reserved.