March 27, 2006

Hindi Ako Prangka

Ayokong nakakasakit ng tao. Dati ko pa ito nabanggit. Kahit na sabihin nating bad breath 'yung kausap ko, hindi ko talaga s'ya kayang prangkahin. Though nakaisip na din ako ng ilang indirect ways to say it like: Your breath is doomed to hell 'cause it's really, really bad (parang mas direct pa yata ito). Eto na lang, your breath is like a chicken, it is foul.

May mga bagay lang naman kasing ang hirap sabihin e lalo na when it comes to odor. Though hindi naman talaga 'yung tao 'yung mabaho kundi 'yung bacteria (na kinakain ang ating apocrine sweat). Wala nga dapat term na amoy pawis e. Puwede pa siguro amoy bacteria dahil ito nga ang may bad odor. Sweat in itself is odorless. Pero kung ayaw mong sisihin ang bacteria, puwede ding 'yung chemical na ine-excrete n'ya na lang ang sisihin, but that's another story.

Pag tinatanong din ako kung nagustuhan ko ang isang bagay, damned if I say yes, damned if I say no, damned if I don't say anything at all.

Kunyari may drinowing 'yung isang tao (na pagkahirap-hirap n'yang ginawa) tapos tinanong ako kung maganda pero hindi ako nagandahan. Pag sinabi kong yes, plastik, pag sinabi kong no, mayabang, pag hindi ako nagsalita, may suot akong earphones (para sa mas pilosopo pa sakin, earphones na gumagana, na nakakabit sa mp3 player na may lamang kanta, na naka-on at malakas ang volume).

Hindi naman ako plastik dahil hindi ko naman sinasabing walang muta 'yung kausap ko kung may muta s'ya. It's just that wala lang talaga akong sinasabi. No comment. And you don't normally say, wala kang muta, out of the blue di ba? Ang odd naman nu'n.

Anyway, kaya nga may mga prangka sa mundo. I'll let them do the job. Wakokok. (Kat, nahawa ako sa tawa mo!)

Bwi-sitcoms

Hindi na nakakatawa 'yung mga sitcoms na prino-produce ng ABS-CBN ngayon.

Kasi ang nangyayari, kung ano sila sa totoong buhay gano'n ang pinapakita nila sa show. Tulad sa Ok Fine Whatever. Hindi ako nanonood nito para panoorin si Aga, Edu and Bayani. I want to watch the characters they portray.

On the other hand, I commend PJ, Caloy, Ditoy and Luigi from Bora. Kasi naman, kaya nilang umarte na sila Piolo, Diether, Carlos at Luis sila. Ang galing galing! Hahahaha! Because indeed, walang characterization. And they're just goofing around. Puro ad-lib, it has become the norm. Hindi na lang s'ya panakip butas pag nalimutan 'yung line.

Tapos lagi nalang nagwa-wander away from the context of the show. Example, maraming babaeng kasama si Marlon tapos tutuksuhin nila na, "Si Marjorie nanonood." Sino ba talaga 'to? Si Dennis Padilla o si Marlon ng Bora?

'Yung pagkakawawa sa mga aesthetically challenged cast should definitely die a very painful death! Sa Will & Grace, kahit katulong si Rosario and she's not the best-looking character do'n, hindi s'ya binabatukbatukan at pinagmu-mukhang gago't tanga tulad nila Bentong, Empoy o Mahal. Ang bi-bitchy nga actually ng lines n'ya. And she's an experienced actress, mind you.

Pati 'yung pag-g-guest ng mga sexy or maganda na babae halos every episode so that they have someone to drool over. It should be ditched. And magulat ka, laging may guest every episode! Hway? Hindi pa ba enough ang characters sa show? Ay wala nga palang characters.

Hindi ko naman alam kung ba't ayaw nilang ibahin ang format. Pag sa pelikula kaya naman nilang maging serious, ba't pag sa sitcom hindi? Por que comedy at sa TV lang pinapanood? It's not an excuse not to take it seriously. Hindi funny ang pag-a-act at pag-s-script ng sitcom. Mahirap umisip ng magagandang punchline. Or baka magagaling ang scriptwriters, it's just that baka hindi pumatok sa masa pag hindi slapstick ang humor? Pag 'yung humor kelangan gine-gets pa?

Pero kung di nila iibahin ang format, talagang mabo-bora-ot at mapapa-ok, fine, whatever na lang ako. But then again, baka ako lang ang hindi nag-e-enjoy.

Mini bilyaran


  March 19, 2006

Keyloggers Attack!

'Yung teacher ko, nabiktima daw ng keylogger sa isang internet cafe (by accident n'ya na-detect) kaya lahat ng pinindot n'yang key sa keyboard, recorded. Pati password, sites visited, information disclosed ando'n. So ginawa n'ya naghanap s'ya ng software to remove the keylogger and he suceeded.

Pero baliktad ang nasa isip ko. Naisip kong mag-download ng keylogger. Mwahahahaha. And I'm using it right now. Pero hindi ito ang plano ko. I mean, i-keylog ang sarili ko, para naman akong tanga.

Ang balak ko eh lagyan ng keylogger ang PC namin sa school. 'Yung ginagamit madalas ng... ummm, secret. Then of course ako lang ang makaka-access no'n, pwera na lang kung ma-discover nu'ng henyong teacher namin sa computer 'yung keylogger na ilalagay ko. Hehe, ang sama ko!

Anyway, this is a warning. Lalo na pag internet shop ang ina-access mo. I mean, lahat ng pinindot mo sa keyboard, walang ligtas. Pag nag-type ka ng password hindi ****** ang lalabas sa keylogger. As in 'yung password mo mismo. Unless kaya mong hindi i-type 'yung password mo. Puwede din. Kuha ka ng mga letra sa isang article tapos copy-paste mo para hindi ma-rerecord 'yung characters na in-input mo. Di ba?

Just be careful. Kung may mahalaga kang ka-transact na kelangan talaga e private, maghanap ka ng keylogger remover (Google is your pal) or better yet, don't use a public computer.

Pero kung may masama ka ding budhi, go here to download a keylogger. Or if you want hanap ka din sa Google ng mas maganda pang versions.

Console RPG-ing

(Wait, edi parang Consloe Role-Playing Gaming pag in-expand ko 'yung title? Ang pangit pakinggan. Anyway...)

    

Medyo busy ako ngayon dahil dalawang Console Role-Playing Game (RPG) ang nilalaro ko. Madadagdagan pa 'yan once ma-release na ang Suikoden V next week (yata).

Sa mga hindi pa aware, ang RPG ay isang genre ng videogame na mahaba, madalas ay may epic na storyline at may pre-set character na kino-control. Sabi ng mga P&P (pen and paper) RPG gamers, hindi daw RPG ang console RPGs dahil may pre-set character at story nga. Pero hindi ko 'yan idi-discuss ngayon kundi ang joy na dala ng paglalaro ng RPGs sa boring kong buhay.

Um, okay. When I watch a movie or teleserye or an anime series, I'm just a spectator. Pero minsan I get affected, I cry, I laugh, whatever. Pero the feeling is doubled pag RPG nilalaro ko. Mainly because, I control the character. Kumbaga ako 'yung actor, 'yung adventurer.

Tsaka pag sa teleserye 30 mins. per day lang, dito you could progress the story anytime. Nakaka-immerse talaga 'yung journey. Hindi ko na kelangang umalis sa upuan ko to experience a different world.

Kaya sa tingin ko, sa mga mahilig sa adventure, magugustuhan din ang RPGs. Video gaming is not just pure gun-boys-gore crap.

Mini bilyaran


  March 12, 2006

Brokeback Mounting

Matagal ko na 'tong napanood pero ngayon lang ako mag-rereact. Grrowwrrrl. Ang ganda. Hm, actually, hindi ako magaling mag-review ng movies kaya just treat this as a comment.

This movie is silent. As in tahimik, nagla-lapse ang maraming minuto na walang nagsasalita. Even then, di naman kelangang may sounds parati to understand the scene. Sometimes, the sorrowful musical score does the talking.

Tapos the "mounting" scene (pa-censor censor pa 'ko), okay fine, the ass-f*ck scene (teka I hope I didn't spoil anything about how they did it, how else do you think two men could f*ck each other anyway?) is not really lewd. Desensitized lang siguro ako. Mas matindi pa 'yung sex scenes nila with their wives.

Script-wise, superb, kaya nga nanalo sila ng Best Adapted Screenplay sa Oscars e. Walang mushy lines tulad sa mga local love flicks ("Dahil sa'yo iniwan ko ang lahat-lahat tapos gaganituhin mo ako?...blah). Mantakin mo, nakakaya nilang sabihing mahal nila ang isa't isa through harsh words and expletives; despite the anger and resentment. No overused I-love-you here.

But sonofawhoreson bitch, hindi s'ya nanalo ng Best Picture sa Oscars. Hindi naman ako makakontra nang maayos kasi di ko pa napapanood 'yung Crash. Pero sa mga nababasa ko sa internet, it was really an upsetting loss. Meron pa ngang isang BBM fanatics group na nag-dissent.

Hindi ko alam kung ang pagkakagusto sa same sex eh nasa genes, deficiency of testosterone or estrogen, environmental or something else. Sabi ko nga sa Peyups forum, baka nagkaron ng chromosomal copying error, XX dapat pero XY ang pagkakabasa nu'ng nagt-type, haha. Tsaka may nabasa ako, gay ba sila kaya nila nagustuhan ang isa't isa o may gusto sila sa isa't isa kaya sila tinawag na gay? Para 'tong chicken-or-egg question ah.

Pakikipagkaibigan

'Yung mga kaibigan ko, sila ang unang nakipag-kaibigan sa 'kin. Hindi ibig sabihing sila ang unang nag-approach. Ako actually ang madalas unang nagsasalita or gumagawa ng move makipag-friend. Pero hindi ako friendly.

Once na natanong ko na ang pangalan at school at edad at tirahan, parang questions sa biodata, tatahimik na ako. That's how I make friends. Napaka-passive. Parang recorded. Pag ako kasi unang nagsalita, tapos na 'yung turn ko. Puwede na ulit akong tumahimik, which is my normal, more comfortable mode (in front of a stranger).

Hm, di ko sure kung effective. 'Yung mga nagiging friend ko yata ang friendly, not me. Sila 'yung unang nago-open up at nagiging feeling close (food for thought: lahat ng magkaibigan, nagfeeling-closan at one point, so hindi masama per se ang mag-feeling close, hahaha.) Tsaka di man ako friendly, di din naman ako hostile.

So ibig sabihin e wala akong friend na hindi friendly? Hindi naman, pero sobrang konti. Ito 'yung mga super hindi friendly kaya ang isang unfriendly na katulad ko ay nagmumukhang friendly.

Anyway, I have no standard at all para sa isang kaibigan. Choosing me as their friend is already enough for me to treat them the same. Hindi ako namimili ng ka-specie.

Mini bilyaran


  March 6, 2006

Jotting Down Notes

Natutuwa ako minsan sa mga classmate kong sinusulat lahat ng sinasabi ng teacher. As in verbatim. Kelangan ba talaga na gano'n?

Sa na-e-experience ko kasi, tuwing may dini-dictate ang teacher, andaming nagpapa-repeat and repeat and repeat again one more time kasi hindi nila mahabol 'yung sinasabi. Hindi ito good practice in my opinion.

Pag nagjo-jot down kasi ako ng notes (if ever may notebook ako), hindi ko kinokopya ng eksakto (dictation o nakasulat sa blackboard). Kinukuha ko lang 'yung pinaka-essence or minsan nili-list down ko na lang para mabilis.

For example sinabi ng teacher, "Phylum is the major taxonomic group of animals and plants. It contains classes." Hindi ko isusulat 'yung "Phylum is the major taxonomic group of animals and plants. It contains classes," while shouting, "Miss, wait lang."

Ang ginagawa ko ay ganito:

"Phylum - major taxonomic group (animals and plants)
       - contains classes"

Or kung nagtitipid ako sa space:

"Phylum - major taxonomic group (animals and plants); contains classes"

O di ba? Hindi ko na kelangang isulat 'yung "is, the, of and it." Ang galing ano? Hindi ako nagjo-joke. Mga five seconds din ang naco-consume no'n, try mo isulat. Tsaka pala isa pang advantage nito, mas madaling reviewhin ang notes kasi hindi pa-paragraph. My two peso.

Alien Gripes

May crush ako sa mga alien. Man, they're the coolest thing on the universe, if ever they exist ah. Parang ang angas pag may mga aliens na nag-ro-roam dito sa Earth. Syet, ang saya-saya siguro no'n. Pero tingin ko kung may aliens man, hindi sila matutuwa sa pagkaka-represent sa kanila ng ibang filmmakers or writers. I will speak on their behalf.

Hindi maganda 'yung pagkaka-represent ng alien sa Mac and Me at Kokey (duh). Mukhang silang engot at matamlay. Isa 'yong mockery sa kanilang super-duper-advanced civilization.

Tsaka hindi pangit ang mga aliens, they're prettier than human beings! Isa na namang 'tong black propaganda ng mga tao so that they will feel superior. No, hindi relative ang beauty. Dahil mas advanced sila, mas mataas actually ang standard nila for beauty. Pwede bang ihinto na ang pag-rerepresent sa kanila bilang tao na may severe case ng hydrocephalus at anorexia? O kaya bilang isang squid-like, gooey creature. Ampapanget.

And alien spacecrafts are so out of fashion. Ang mga alien, kaya nilang mag-travel without spacecrafts. Tapos mag-dedesign lang sila ng spacecraft, mukha pang galing sa perya, walang class. Try natin. Pag narinig mo ang word na UFO or alien spacecraft tingin ko ito agad ang napi-picture mo sa utak mo, ayt?

Nga pala, pag naga-abduct daw sila, minsan in-e-erase nila 'yung memory nu'ng in-abduct nila so that pag-gising for example nu'ng tao, wala s'yang maaalala. You might have been abducted and you don't even know it. How sleek eh? Pogi points na naman.

Pero after all, hindi ako naniniwala sa mga alien. Isa s'yang myth na hindi puwedeng tawaging myth dahil meron silang existence-is-plausible seal c/o NASA, unlike Santa Clause and toothfairies. Kasi naman sila e, dapat sinabi nilang sa outerspace din sila nanggaling para hindi agad na-re-refute ang kanilang existence. But then again, I will remain an alien's loyal fan.

Mini bilyaran


May iniisip.

Ang website na ito ay naglalaman ng mga kuro-kuro, pananaw sa buhay, kwentong (may kwenta at wala), at kung ano pa mang bagay na maisip ng nilalang na nasa larawan. Kung hindi ka maka-relate, edi hindi.

Name:

E-mail Add:

Question:


Easy Online Form Builder

Quotations


"The truth is that there is nothing noble in being superior to somebody else. The only real nobility is in being superior to your former self."
- Whitney Young

SINK #43:
Womensan

-> Sharon Stone is a Mensan, beauty and brains eh?

Magbilang tayo...
Isa akong normal na taong
kumpleto naman ang parte ng katawan: tatlong mata, isang ilong, kalahating bibig, apat na tenga, walong kamay at isang paa (sobra-sobra pa nga e). Marami akong gustong gawin sa buhay ngunit... ngunit... ganda ba ng kamay ko?

Are You Beautiful?
Yes, I am, inside-out.
Yes, physically, but I am a bitch.
Yes, I am beautiful, only on the inside.
No, I'm an ugly duckling, insides out if you want!
Of course not, for I am handsome! (...and a cornball.)
Current Poll Results
Previous Poll(s) Results

Cut-rate Hosting
Join the campaign
Get FireFox
Get Firefox!
Pinoy Top 100
Pinoy Top 100
Pinoy Top Sites
Make it happen
Banner

Lower Higher - short story
My Deviant Art - artworks
Forboding Plains - short novel (?!)
Ikaw Pa Din Ang Iibigin Ko - piano record
If We Hold On Together - piano record


MSN/Yahoo Messenger:
ava_square
E-mail:
skwayred@gmail.com
ICQ#:
225525350
PEX identity:
my_identity

RSS feed URL

Statistical Report Provider

Free Website Counters
nandito ang nilalang

ME dot INSIDE

Copyright © 2004-2005
by Skwayred
Online since
March 26, 2004
10,000 hits on
May 26, 2005
All rights reserved.