March 12, 2007

Grammatical Boo-boos

Recently, binasa ko ulit 'yung dati kong blogs. Then, I found the word specie. What an abomination. Ginamit ko 'yung word na specie to mean species (not so trivial trivia: specie has something to do with coins while the biological species always comes with an "s").

Ang totoo, ang dami kong nakitang grammatical boo-boos and they make me cringe. Should I shoot myself in the head now or what?

Then again, I'm glad I cringed! Dapat akong matuwa kasi nalaman kong mali ako. I mean, di ko naman malalaman na mali ako dati unless tama na ako ngayon. So, what the hell, dapat akong mag-celebrate. Yey! *shoots herself in the head*

Postscript: Kidding!

The Carpet Conundrum

Nu'ng isang araw, pinakita namin do'n sa tita namin 'yung bagong carpet na nasa kwarto ni kuya. Then nagkaron kami ng conversation.

Ako (to my tita): 'Yan 'yung carpet na pinadala ni mama. Dapat sa kwarto ko 'yan pero di kasi pang babae.
Kuya (to, how should I know?): Onga, tiger 'yan eh.

Err, okay, wait. Nagulumihanan lang ako ng konti. Allow me to be philosophical for a moment (di ba 'yan naman talaga English ng pilosopo?) It's not a tiger. It's a carpet. And last time I watched Discovery Channel, hindi ganyan 'yung fur ng tiger.

   carpet
Kaso, baka mali ako. I've been wrong a lot of times. I could be wrong this time too. So, triny kong i-search sa Google. This is what I found:

grooowl

So puwede s'yang cheetah, puwede din s'yang leopard but it's dead obvious that it isn't a tiger, as I've said, it's a carpet! Pero kung titignan nang maigi, tingin ko, leopard spots 'yung naka-print sa carpet. Hehe. I'm a genius for spotting that (and partly because the leopard is staring right at me).

Pero para maging fair sa kapatid ko, siguro tiger din 'yung nasabi ko on an impulse. "Tiger" is more common and less intimidating than saying "cheetah-print carpet" or "leopard-print carpet." Elitist! At isa pa, may mali din sa sinabi ko. I mean, duh, there's such thing as a female leopard. So puwede din s'ya sa kwarto ko, ang sasabihin ko nga lang, "Leopardess-print carpet 'yan." Elitist!

At the end of the day, di pa din talaga na so-solve 'yung problem. I mean, is that a leopard or a leopardess? Or I should say, is that a leopard-print carpet or leopardess-print carpet? Kaninong kwarto ba talaga namin ilalagay? *sigh*

Postscript: PETA members are going to kill me.

Mini bilyaran


  March 9, 2007

Sumali Kaya Ako Sa PETA?

Nasabi ko na dati at sasabihin ko ulit (kahit nakakarindi na) -- hindi ako pumapatay ng langgam o ng kahit anong living thing. Kahit lamok. Yes, ayos lang na mamatay ako o 'yung mga tao sa paligid ko sa dengue or malaria. I care more about the freaking blood-sucking mosquito. Naalala ko pa nga na kapag pinapapatay sa 'kin ni kuya 'yung lamok, I lie. Sinasabi ko, asan? kahit nasa harap ko na 'yung lamok. See? PETA would love to have me.

Even then, kumakain ako ng pork, poultry, beef at fish. How's that for a traitor? Ewan ko, di ko naman kasi iniisip na 'yung kinakain kong masarap na pork sa sinigang na baboy eh ganito bago sila napunta sa plato ko:

cute pigs   
Aww. How cute. Heck, how do I manage to eat something 1,000x cuter than a mosquito? Beats me. BTW, nanggaling 'yang picture na 'yan sa PETA which stands for People for the Ethical Treatment of Animals. Ang trabaho ng mga tao dito eh kumuha ng pictures katulad ng nasa left. Kaya nilang gawing cute kahit na crocodile, komodo dragon or let's say hyena, believe me. Really amusing.

Gusto ko sanang sumali pero di ko kayang maging vegetarian. I love meat and I need gaddamn proteins. At ewan ko kung nakakita na sila ng frog na kumain ng langaw. No anesthesia, brutal and merciless. What now? Kelangan nilang patayin 'yung frog para ma-save 'yung langaw pero kailangang mamatay 'yu'ng langaw para mabuhay 'yung frog. PETA has a self-defeating mission statement unless, may means sila na pakainin ng veggies 'yung palaka o 'yung million pang pihikang animal species na di kumakain ng vegetables.

At eto pa, pa'no kung magkaron ng PETP or People for the Ethical Treatment of Plants? Oh no! May nabasa kasi akong article dati na nag-e-emit daw ng high pitch sound (similar to crying) 'yung plants or trees kapag pinuputulan ng dahon, stem or trunk. This information should be kept top-secret or else, we would really be biting the dust in no time, literally.

Psst, Please Stop It

Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong wala akong pakialam (totally) sa itsura ko. Meron kahit papano. Nagsusuot ako ng damit na maayos, 'yung alam kong hindi nakaka-arrest ng attention dahil sa sobrang hip and stylish or the opposite, 'yung nakaka-arrest ng attention dahil sobrang jologs. Conservative ako pero hindi ako mukhang manang. Simple lang ako manamit, madalas tees, pants and sandals lang (though lately, natutunan ko na magsuot ng nasa uso).

Despite that decent ensemble, meron pa ding mga mamang sumisitsit sa akin. Special mention 'yung mga mama na katabi ng driver ng delivery trucks. Beware of them. And to help innocent female yuppies and teenagers from spotting such a person, look for these signs:

  1. He's looking at you.
  2. He is smiling.
  3. He's topless.
  4. His right elbow is propped on the window (and because of no. 3, his hairy armpit is showing).
  5. There's a traffic.

I'm not sexually attractive. Damn, the goosebumps. Hindi talaga. 'Yung buhok ko madalas messed-up, 'yung kilos ko di naman girly, 'yung expression ng mukha ko wala namang bahid ng seduction. Kaya, eto ngayon 'yung mind-boggling question na di nagpapatulog sa 'kin sa gabi, what the heck is wrong with them?

Di ko alam kung ano nakukuha nila sa pagsitsit. Anong saysay kung lingunin sila nu'ng babae? Like, how long is that? 2 seconds? They get pleasure out of being stared at by a girl for 2 freaking seconds? Sick. And for the love of Jupiter, 2 seconds is not actually a stare, that's merely a glimpse. Really sick.

Mini bilyaran


  March 5, 2007

Sponsored: Spice Girls Nostalgia

Nagpakabit na kami ng broadband connection (SmartBro, ito lang kasi available sa area namin) kaya nakakapag-YouTube na ako nang matiwasay. My connection is crappy sometimes pero ngayon, medyo tolerable naman (230-350 kbps).

Kapag meron ka na palang broadband, maraming nagsu-surge sa utak mo na mga bagay na gusto mong i-download, i-view o i-hear (the last one sounds coñotic). Isa sa pumasok sa utak ko eh 'yung concert ng Spice Girls sa Istanbul. Nu'ng pinalabas 'yan sa HBO dati (1998 yata), parati kong pinapanood. Eh gusto ko ulit panoorin kaya sinearch ko sa YouTube. Nostalgic, arrrggh.

Di ko pa nasasabi dati pero naging fan ako ng Spice Girls. Wala silang kanta na di ko nagustuhan. Tapos, hanggang ngayon, kabisado ko pa din lyrics ng mga kanta nila. I've only been a real fanatic once at sa Spice Girls 'yon. Sila lang 'yung group na gusto ko talagang mapanood ng live. Alam ko di na 'to puwedeng magkatotoo dahil disbanded na sila (as if naman, kahit buo pa sila, may means ako para mapanood sila ng live, hehe). Jologs na kung jologs pero hindi naging masaya 'yung adolescence ko kung wala sila.

Favorite ko sa kanila si Emma Bunton (aka Baby Spice). S'ya kasi 'yung pinaka-endearing sa kanilang lahat. Actually, lahat naman ng members ng Spice Girls may kanya-kanyang image. Isa din 'yon sa gusto ko sa kanila. Nagdaan 'yung TLC, Destiny's Child, All Saints, En Vogue at Pussycat Dolls pero wala sa kanila 'yung may characterization 'yung bawat member ng group.

Anyway, sana mag-re-unite 'yung Spice Girls para kapag nakakarinig ako ng kahit anong related sa kanila, hindi ako nagiging nostalgic ng ganito. Gawd, I terribly miss those times.

Sponsor: Kung gusto mong tumira sa San Diego, you will find George Lindemann very helpful. Meron d'yang links at information tungkol sa mga bahay at condo na binebenta sa San Diego.

Mini bilyaran


  March 4, 2007

Sponsored: Human Babies

Di ako mahilig sa baby. I don't hate them, di lang ako 'yung tipo na pag nakakita ng baby, nangigigil.

Una, mas cute para sa 'kin 'yung animal babies. Sobrang nanggagalaiti ako sa gigil kapag nakakakita ako ng chick, kitten, puppy or cub. Pero kapag baby na tao, wala lang, dedma.

Isa pang reason kung ba't di ko sila ga'no gusto eh dahil di ko sila mapatawa or malapitan ng matagal nang di sila iiyak. Babies showed me that I really have no social skills. I mean, baby na nga lang na di naman namimili ng kausap (actually, di pa nakakausap) di ko pa ma-befriend. Ang pathetic ko naman.

Tapos, pag may baby kasi, feeling ko may obligation akong pansinin s'ya. Iyon ang normal eh, na maaliw ka at pansinin mo 'yung baby. Pag di mo pinansin or di ka natuwa, mukha kang nagse-selos o masungit. Eh sa hindi ako nacu-cutan eh, hello?

Ewan ko, siguro nga bitter lang ako. Di na kasi ako baby pero nagbe-beybi-beybihan pa din. Pag nakakakita kasi ako ng baby, isinisigaw nila sa mukha ko na sila 'yung tunay na baby at ako, trying-hard lang. Babies intimidate me without even trying. Ang pathetic ko na talaga.

Anyway, I still prefer animal babies. They're super cute. Ang sarap kagatin at pisil-pisilin.

Sponsor: Kung marami kang defect sa mukha, dito sa cosmetic surgeons, merong virtual exam kung sa'n puwede mong malaman 'yung process na kelangan mong pagdaanan para maayos 'yung flaw sa mukha mo.

Sponsored: Blog-To-Profit Update

Siguro naman napansin mo 'yung ads ko sa late January to March entries ko. Sponsored 'yung mga entries ko ngayon meaning, may natatanggap akong P150 per ad posted. Di ako nagjo-joke dahil natanggap ko na 'yung pera ('yung unang batch). In fact, naipambili ko na ng stylus ng Nintendo DS (nawala ko kasi), magazines (sa Filbars), Coraline (book by Neil Gaiman), ballet flats, spandex shirt, Wendy's meal at Teriyaki Boy meal 'yung P1500.

Kung may ATM ka, puwede nilang ilagay sa account mo 'yung pera (ganito 'yung sa akin). Pero kung wala, meron namang Western Union, i-c-claim mo na lang do'n 'yung pera. Nag-post ako ngayon ng maraming entries kasi bukas na 'yung deadline ng ads (this is my second batch). Kelangan ko din kasi ng pera.

So wag ka na mag-doubt. Mag-subscribe ka na din sa blogtoprofit at ilagay mo ako sa referral. Thanks!

Sponsor: Kung ayaw mo alamin 'yung biography ng politicians natin, ba't di mo i-try alamin 'yung sa America? No really, George Lindemann jr is a great source for that, especially kung kelangan sa research work mo (polsci class).

Mini bilyaran


  March 3, 2007

Sponsored: A Picture of My Bookshelf

Ito 'yung bookshelf sa taas ng study table ko:

Wala lang, pinicturan ko lang. Kung mapapansin mo, may space du'n sa 2nd layer ('yung naka-protrude sa right) nu'ng lower shelf. Iyon 'yung space para sa e-books na nabasa ko. Hehe, palusot. Di, honestly, marami din akong nabasang e-books. So, sa empty space na 'yan, nand'yan 'yung The Everlasting Man, Stardust, Neverwhere, Life of Pi, Mere Christianity, 2001: Space Odyssey and a whole lot more. Hindi naman sila mag-c-cram sa space dahil invisible nga sila.

Anyway, may pa-contest ako. Try to identify all the books you can recognize in the picture (marami d'yan 'yung kilalang mga libro). The price? 'Yung satisfaction na mapangalanan mo sila (sa liit n'yan). Wala lang, hehe. Tsaka pala napansin ko, ang konti pa rin pala ng mga libro ko. Kala ko makakabuo na ako shelf na may apat na deck or levels o kung ano mang tawag do'n.

BTW, lahat ng libro na meron ako (book and e-book), nandito naka-list: librarything. Marami pala akong e-book so just tag me or contact me kung gusto mo ng copies.

Sponsor: Puwede ding magpa-rhinoplasty, facelift, blepharoplasty (ano kaya 'to?) sa Miami rhinoplasty surgery. Marami d'yang before and after pictures, nakakaaliw.

Sponsored: Novelty Toys

Eversince bata pa ako, mahilig talaga ako sa novelty toys. Kahit 'yung maliliit at simple lang pero kakaiba 'yung nagagawa.

Katulad recently, bumili ako nu'ng message seed at dinosaur egg sa Magneto (sa Eastwood branch). 'Yung seed, maganda s'yang ipang-regalo kasi once na diligan mo at tumubo s'ya, may lalabas na message sa mismong plant like "Happy Birthday" (umm, sana ginawa nilang "Belated Happy Birthday" kasi once tumubo 'yung halaman, tiyak tapos na 'yung birthday nu'ng pinagbigyan), "I Miss You," "I Love You," etc. Na-interesado ako kung paano 'yon mangyayari kaya binili ko.

'Yung dinosaur egg naman, may ganito na yata noon pa. Ito kasi 'yung maliit na rubber figure ng dinosaur na lumalaki kapag inilagay sa tubig. Ang kinaiba lang, nasa egg 'yung rubber dino so iyong egg 'yung ilulublob sa tubig. You have to wait until the egg hatches.

So iyon na nga, naaaliw ako sa mga ganyang bagay. Again, para sa ibang tao, aksaya daw 'yan sa pera (P75 each) pero I don't care, naaaliw ako eh. Actually, dahil nga d'yan, naghanap ako ng website na nagbebenta ng ganyang toys at nakita ko 'to: physlink.

Meron ako du'ng nakita na Magic Chaotic Pendulum, Human-Powered Light Bulb, Mystery Stick, Pet Tornado, Space Sand, Thermodynamic Pen at kung ano-ano pang abubot na nakaka-induce ng curiosity. Ang maganda pa d'yan, malapit 'yung retail store sa place ng nanay ko sa CA, kaya puwede ako magpabili (mura lang naman sila $2-$4). Wahaha. Sana pumayag si mama. Graduating na kasi ako eh pero magpapabili pa din ako ng toys. Eh baket, kadalasan ang mga nakasulat sa toys ages 5+. Ibig sabihin kahit 40 years old ka na, puwede mo pa 'yon gamitin! Duh.

Sponsor: Ito cool din, hair restoration. Kung di lang talaga 'to expensive mag-papaganito ako kasi nga manipis 'yung buhok ko.

Mini bilyaran


May iniisip.

Ang website na ito ay naglalaman ng mga kuro-kuro, pananaw sa buhay, kwentong (may kwenta at wala), at kung ano pa mang bagay na maisip ng nilalang na nasa larawan. Kung hindi ka maka-relate, edi hindi.

Quotations


"There are abundantly more English professors in the world than there are authors.”
- Vanna Bonta

SINK #NA:
Suspended

-> Ihihinto ko muna 'yung paglalagay ng very useful facts dito kasi honestly, WALA NA AKONG MAISIP. I no longer want to bother you with, "a duck's quack doesn't echo" kind of useful fact. So pretty please, be kind to me.

Magbilang tayo...
Isa akong normal na taong
kumpleto naman ang parte ng katawan: tatlong mata, isang ilong, kalahating bibig, apat na tenga, walong kamay at isang paa (sobra-sobra pa nga e). Less?

Name:

E-mail Add:

Question:


Easy Online Form Builder

I AM NOT JOKING, THERE IS A NEW POLL!
Why don't you like to read books?
My vocabulary is as deep as a footprint of an ant on a concrete.
I have a short-attention span.
I can't comprehend what I read (Note: This doesn't mean you're stupid.)
No book grabs my interest.
I don't want to be tagged as a nerd.
I am just not interested to learn because I am a very shallow person.

Current Poll Results
Previous Poll(s) Results

Cut-rate Hosting
Join the campaign
Get FireFox
Get Firefox!
Pinoy Top 100
pinoy
Pinoy Top Sites
Support Creationism
Make it happen
Banner

My Library Thing - list of books
Lower Higher - short story
My Deviant Art - artworks
Forboding Plains - unfinished short novel
Ikaw Pa Din Ang Iibigin Ko - piano record
If We Hold On Together - piano record
Weekend in New England - piano record


MSN/Yahoo Messenger:
ava_square
E-mail:
skwayred@gmail.com
ICQ#:
225525350
PEX identity:
my_identity

RSS feed URL

Statistical Report Provider

Google PageRank Checker Tool
Google Page Rank

Free Website Counters
nandito ang nilalang

ME dot INSIDE

Copyright © 2004-2005
by skwayred
Online since
March 26, 2004
10,000 hits on
May 26, 2005
20,000 hits on
April 10, 2006
Lahat ng karapatan ay naka-save.