Pag tinitignan ko sarili ko sa salamin, di talaga maganda, pero di din naman pangit. Nyahaha.
Kung hindi ako pangit at hindi ako maganda, eh ano ako? May sayad? Alien? (Kung ano ang koneksyon ng sayad at alien sa pagiging hindi ko pangit at maganda, eh wag mo na 'kong tanungin.) Kung i-rarate from 1 to 10 nasa mga 5-6 lang siguro ako. Basta I'm not a head-turner. Far from it.
May mga nagsasabing cute daw ako, somehow (mukha naman silang sincere). Halos puro babae nga lang (included na d'yan ang nanay ko at mga kumare n'yang sip-sip). Pero minsan, nakaka-flatter nga e, may mga kargador, manong, karpintero at tambay na nagha-hi sa 'kin (which gives you the idea na dumadaan ako sa mga lugar na may kargador, manong, karpintero at tambay, sino bang hindi). The heck! Sira-ulo n'yo! Life a get.
Hindi ko alam, ba't may natural tendency ako na hindi paniwalaan ang taong nagsasabing I look good. Hindi ko din alam kung ba't may natural tendency din akong hindi paniwalaan ang taong magsasabing I don't look good (magtago na kayo!)
Ayoko kasing sinasabihan akong maganda dahil I know na hindi, in the strictest sense of the word. Ayokong mag-feeling. Tama nang hindi ako maganda at hindi din ako pangit. Mahirap din maging maganda, sure ako magkakaron ako ng tendency na maging narcissistic.
ANYWAY, YOU BE THE JUDGE: Click this to see my pic. No link? May sira computer mo! LOL. S'yempre wala, ano ko sira? Next time na lang, pag prepared ka na.
Kung Ano-Ano
Nakasali ako sa semi-finalists ng Philippine Blog Awards, "Best Blog Site Of The Year" category. Thank you sa kung sino man ang nag-include sa 'kin do'n, at thank you ulit kay tiamy dahil s'ya ang nag-nominate sa 'kin dati.
Recently eh nakipag-debate ako tungkol sa evolution, against ako s'yempre. Dalawa 'yon actually. 'Yung una, wala nang sumunod na replies kaya naghanap ulit ako ng kaaway. Pero 'yung pangalawa (na medyo haughty ang style), eh mukhang wala na yatang maiharap na evidence sa kanyang evolution myth, I'm still waiting for the replies though. Pag di na nag-reply (failure to give counter-arguments), I'll consider myself victorious. Hihihi.
All I want for Christmas is Furby. $39 lang. Isa s'yang robotic stuffed toy reminiscent of Gizmo the Gremlin. Pero kung akala mong iyan lang ang hihilingin ng isang materyalistikong taong katulad ko, tama ka! Kasi 'yan nga lang.
Na-a-amaze ako sa mga instincts at abilities ng ibang animals. Like the bats, beavers, hummingbirds, giraffes, almost all of them. Galing, all the more I am convinced that some form of Super Intelligence designed them. More on this on my next entry. Eto sure 'to, kasi dati pag sinasabi kong may ilalagay ako sa susunod na entry hindi ko natutuloy e.
Nga pala, may idinagdag akong files du'n sa baba, sa may Papel at Ballpen, 'yung sa side. Download them if you like. Ang feeling ko talaga. Basta lahat ng nando'n, ako gumawa at sumulat. 'Yung sa piano, ako tumugtog, pero di ako nag-compose. Para naman di lang nag-iisa 'yung "Lower Higher" du'n. If you want sabihin mo lang at tutugtog ako ng kanta para sa'yo. Just provide me with the chords and you'll have a somewhat-piano version of the song. Kinareer.
I've seen this anti-depressant at anxiety buster drug named Amoryn. Mukhang effective talaga. Pero di muna ako mag-tatake. Saka na pag bumalik ang anxiety attack ko or umabot sa point na di na 'ko makakain (I can feel it already). At least I now know what to take.
[]
November 15, 2005
Blooper
Last Friday, nagpunta kami sa Gateway at kumain kami sa Teryaki Boy. First time ko do'n. Ang totoo n'yan, ayokong nagkakakain sa mga restaurant na hindi fastfood. Una mahal, pangalawa, out-of-this-world ang menu. Out-of-this-world sa 'kin pag walang fried chicken at pag kung ano-ano tinatawag sa mga ulam na malay ko kung sa'n nanggaling, tsaka pag kung ano-ano din ang halo at pag may kung ano-ano ding side dish.
Teryaki Boy is obviously a Japanese resto. Ayoko ng Japanese food, pero para masabi ko namang nakakain na ako sa Teryaki Boy, pumayag ako. Hehe.
As we entered the resto, nagbo-bo-bow ang mga crew. I felt obliged to bow too, pero naisip kong magmumukha akong tanga kaya di bale na lang.
Dahil nasusuka talaga ako pag kung ano-anong ingredients na pang elitista ang nakahalo sa pagkain, I preferred to have a plain rice (nasusuka talaga ako sa rice na parang ulam sa sobrang malasa). At sa dahilang mga Hapon lang ang nakakaalam, ang pangalan ng plain rice nila ay Gohan. Natawa ako dahil nakakatawa naman talaga. Hahahaha!
So matapos naming mag-isip kung anong napaka-espesyal na pagkain ang i-o-order namin, which was Tonkatsu (nice, para lang akong nasa Tokyo-Tokyo), tinawag na namin ang waiter. At sa dahilang kaklase ko lang ang nakakaalam, tinanong n'ya ako ulit kung anong rice daw ba 'yung akin. At sa dahilang kahit ako ay di ko alam, ang sinabi ko sa waiter ay, "Sa 'kin po, 'yung Goku."
Gracious goodness! Ano 'yon malaking plain rice?
Pangit Ako Magsulat
For a girl, pangit akong magsulat. Triny ko dati pagandahin ang handwriting ko pero I grew tired of it. Feeling ko walang saysay.
I wish I could display a sample pero sira kasi scanner namin e. Basta pangit. Parang sulat doctor lalo na pag nagmamadali (which happens so often). Maninipis na patulis na hindi pantay-pantay. Minsan kahit ako di ko maintindihan 'yung sinulat ko. Kailangan ko pang i-decrypt.
Dini-discard ko na nga lang 'yung lectures ko minsan sa inis at hinihiram ko na lang 'yung sa classmate ko. At ang totoo n'yan, di na nga ako ga'no nag-lelecture sa school. I don't even have a notebook. 'Yung mga lectures nang teachers kung sa'n-sa'n ko sinusulat (most of the time, di ko na din alam kung sa'n ko sinulat pag kelangan ko na). I'm losing my handwriting skills.
Tamad kasi akong magsulat (kaya mabilis), ayoko 'yung pinapaganda pa (though I admit na nag-re-red ballpen ako dati, uso e). Nu'ng HS, isa ako sa laging nauunang matapos magsulat. Either ako or a male classmate or 'yung mga hindi naman talaga nagsulat.
May advantages din naman. Hindi ako nahihiraman nang lectures (as if meron), di din ako pinagsusulat pag may mga group activities. Tsaka weird, pag alam kong ako ang nauuna matapos, masarap ang feeling.
Onga pala, I write the small letter "a" as you see it here sa font na 'to. Tapos 'yung small letter "f" sinusulat ko s'ya na pa-"F" na nakalawit 'yung lowerpart sa line na parang letters p, q, j. As if anyone cares.
[]
November 8, 2005
Sakit-Sakitan
Nu'ng gradeschool at HS, absent ako ng absent for no reason at all. Well, at least para sa 'kin no reason, pero dahil special ang parents ko (and teachers din), pag sa kanila may reason.
Gano'n ko pala talaga ka-hate ang school na minsan by thinking na sana magkasakit ako, nagkakasakit talaga ako. Galing! Totoong nagkakasakit ako kunyari.
Bawal daw magkasakit, still debatable, pero talagang bawal magkasakit kunyari. Tsaka mahirap din. Well, of course, the guilt, the effort na kelangan consistent na magmukhang matamlay ako, 'yung papag-stayin ako sa kama the whole day (yesss), at s'yempre the moment of pulling off the plan. Napaka-crucial.
Ginagawa 'ko ang plan pagkagising sa umaga. Pag pumasok kasi sa isip ko dati na hindi ako papasok, hindi talaga. Que may exams or quizzes o pasahan ng requirements, wala akong pake. Lenient naman kasi pag HS at gradeschool e, may mga special exams basta may excuse letter. Well, wala na sa list of possible illnesses ko ang lagnat. Yup, dahil sa thermometer, puwede akong i-refute anytime.
Kaya either sakit ng ulo or tiyan or any illness na di puwedeng i-test nang kahit anong apparatus sa bahay ang dinadahilan ko. Minsan naniniwala sila (o baka pinapaniwala lang nila akong naniniwala sila). Pag hindi, nag-s-stick pa din ako sa illness ko (consistency plays a big role). Maraming beses na kaming nagkagalit ng nanay ko dahil dito. Maraming beses na din akong umiyak dahil ayokong pumasok, dahil nga may sakit naman talaga ako (kunyari). Again, consistency.
Ngayon, I still hate school (not education but school). Pero di na ako nagpre-pretend na may sakit. One reason eh dahil pag college, limitado ang absences. At sa 'min kahit na na-ospital ka, when you miss a quiz, you miss it. And it's silly to pretend, silly, when you can do the real thing. Nagpapa-ulan na lang ako or kung kailangan, I mutilate myself. Biro lang. I no longer do this silly stuff. Believe me.
Salamin O Picture?
Nag-try ako mag-picture-picture lately sa phone ko. Pero pag tinitignan ko 'yung itsura ko sa picture at itsura ko sa salamin, magkaiba. Di ko tuloy malaman kung ano sa kanila ang papaniwalaan ko.
Gusto kong paniwalaan 'yung salamin. Kasi pag salamin, we all know, it's the most direct and clear way to view one's self. At gusto ko s'yang paniwalaan dahil mas maayos itsura ko do'n. Haha, bias. Anyway, direct man at malinaw, ang nakikita kong mukha ay 'yung mukha ko pag flinip horizontally. Sooo, medyo unreliable ng konti.
Pag sa picture naman, hindi ko gusto 'yung kinalalabasan. Iba e. May pictures na ok, pero minsan lang. Ang ikinababahala ko talaga eh feeling ko mas reliable ang pics. Kasi iyon it shows your face na hindi naka-flip meaning iyon talaga ang itsura mo kung sakasakaling i-dedetach mo ang sarili mo sa katawan mo at pagmamasdan mo ang mukha mo from a distance. Di nga naka-flip tulad sa mirror. But it could also be unrealiable kasi kumbaga thirdhand representation na s'ya. Bias, bias.
Tapos minsan pa pag 'yung picture na di maganda ang kuha tinatapat ko sa salamin, gumaganda (pag sa mirror titignan). What the heck?! Ba't kaya gano'n? Parehas lang naman. Tsk, buti pa mga tao sa paligid ko, nakita na nila mukha ko sa personal (haha kapal). Ako kaya kelan? I've never seen my own face for real. Just through pictures, just through reflections. The irony of life.
[]
November 4, 2005
Totoong Nakakatakot
Lately, I self-diagnosed myself (redundant?) with another mental disorder. It's Generalized Anxiety Disorder (GAD). Haha, dalawa na sila. When I was 15, I self-diagnosed myself (redundant again?) with Obsessive Compulsive Disorder (OCD). Ito 'yung excessive doubting, the former was excessive worrying.
Last week nag-try ako maghanap ng mga psychiatrists sa mga hospitals along E. Rod. Sabi nila, "Baket ka magpapatingin sa psychiatrist?" Concerned? Sana, but the look on their faces gave them away. Ok, ulitin ko ngayong alam mo na na tinanong nila 'yon di dahil sa concern kundi dahil sa prejudice, "Baket ka magpapatingin sa psychiatrist?!" See now? Nakakainis.
Ba't ba pag magpapatingin ang 'sang tao sa psychiatrist, iisipin ng mga tao eh may sira 'yung tao sa ulo? "Sira sa ulo" is too harsh a phrase. There are mental disorders that a lot of people suffer from that do not necessarily translate to insanity. Tulad nu'ng akin. Ang totoo n'yan you may have one, hindi ka lang diagnosed.
Anyway, iyon nga, I found out na ang GAD at OCD na din ay due to some chemical imbalances sa brain, a chemical called serotonin and it has to do something with neurotransmitters too. Ayon du'n sa nabasa ko, walang dapat sisihin, para lang din itong case ng isang taong mabilis lumabo ang mata (my article refuter was right).
And I'm glaaaadd it's a disorder. Kasi may gamot, may relief, because believe me, the mental torment is like hell (I hope hell is not any worse than that). Pero wala pa akong tine-take at di pa din ako nagpapatingin. Nu'ng naghanap ako ng mga psychiatrist last week, puro out-of-stock (sic). Bummer.
So iyon, tina-try ko pa ding mag-struggle sa mga mental disorders na 'to. Sabi na nga e, masama ang sobrang pag-iisip. Ang hilig ko kasing umintindi ng mga bagay na di ko na naman dapat iniintindi. I guess from now on, I'll live by this principle: "Life is not meant to be understood, it is meant to be lived." Hindi ko naman kailangang maintindihan kung pa'no gumagana ang TV para makanood.
Postscript: At if I may add, kahit pala insanity, or people with schizophrenia, hindi dapat pinagtatawanan o jinu-judge. Most of the sufferers may have suffered from a ghastly trauma that you luckily have not experienced. Next time na lang pala ang detailed explanation sa mga disorders ko na 'to.
Random Blabbering
Pag tumitingin ako sa Friendster profile, ang lagi kong nakikitang favorite book ng mga tao ay "Harry Potter" at "Da Vinci Code." Suus, raket lang ata 'yun eh. Para lang may masabing may nabasa sila. Mas ayos pa, para sa akin 'yung mga naglalagay na, "I don't like books" or "I hate books" o as in di nalang finill-upan 'yung part na favorite book.
Tapos na-observe ko lang pag sa mga Western movies, 'yung mga extra, marunong umarte. Di nga. Pag sa Filipino films 'yung mga extra, stiff i-deliver 'yung lines at stiff gumalaw, if not, OA i-deliver 'yung lines at OA din gumalaw. Pero pag Western movie, parang di sila umaarte kasi natural. Or nag-ge-generalize lang ako at nagpapaka-bigot? Anyhow, I guess, the best way to act is not to try to act at all.
Di ko gets 'yung bagong commercial ng Pepsi Max, dalawang version 'yun e, 'yung may orangutan (or is that a chimp?) at 'yung may nahuhulog sa building. Ang labo. Ang hina ko gumets.
Maraming nagsasabi sa 'kin na lagi daw magulo buhok ko. Pag sinasabi sa 'kin 'yon, tinuturo ko 'yung mga taong gulo-gulo ang ayos ng buhok, ba't 'yon magulo pero mukhang maayos? 'Yun daw kasi sinadyang magulo, 'yung sa 'kin sadyang magulo lang talaga. Hohoho, funny.
Gustong-gusto ko pala 'yung kantang "Ever After." Sorry sa mga nag-c-club or disco, alam kong dapat di s'ya nasa mainstream pero dahil do'n kaya ko narinig ang kantang 'to, I don't go to clubs or bars. Ganda talaga 'nung beat pati 'yung lyrics, kakaiba, hindi gasgas 'yung wordings.
BTW, nabasa ko, that by simply staring into each other's eyes, two people could fall in love. Yiihee, nagkaron s'ya ng hope. Ang problema pa'no mo mapapatitig sa'yo 'yung crush mo? Una sa lahat, kelangan crush ka na n'ya for him/her to stare at your eyes. Uhh, well, good luck! This is supported by an experiment ah.
Iyan lang muna. Medyo nag-rerecover pa ako from you-already-know-what. BTW, belated Happy Halloweeeeeenn. Next time, mas aayusin ko na entries ko.
[]
Ang website na ito ay naglalaman ng mga kuro-kuro, pananaw sa buhay, kwentong (may kwenta at wala), at kung ano pa mang bagay na maisip ng nilalang na nasa larawan. Kung hindi ka maka-relate, edi hindi.
"Example isn't another way to teach, it is the only way to teach."
- ?
SINK #28: You Shall Return
-> Parating ina-assume ng US embassy consul na mag-t-TNT ang kahit sinong pupunta ng States. You have to disprove it with documents saying you'll come back. (Ang useless 'no?)
kumpleto naman ang parte ng katawan: tatlong mata, isang ilong, kalahating bibig, apat na tenga, walong kamay at isang paa (sobra-sobra pa nga e). Marami akong gustong gawin sa buhay ngunit... ngunit... ganda ba ng kamay ko?