Kaso may mga problema pa akong hinaharap bago maging 100% sure ang plan na 'to.
Wala kasi sa mga classmates ko ang sure na makakasama. Kumbaga sa 100% 'yung presence ng kahit isa man lang na ka-close ko eh 10% na. Tapos 'yung Visa application. Lahat naman daw halos ng pinapadala ng company na 'yon eh natatanggap pero kahit na, ano ba dapat ang sinasabi para di ma-deny ang Visa? If my Visa won't be denied, another 15%.
Isa pa ay 'yung exam sa UP (main office nila eh nasa UP). Pag naipasa ko 'yon another 14.99%. I will have smelled American soil by that time. Pero ano kaya 'yung .01%? Sana di mag-crash 'yung eroplano.
By then, makikita ko na ulit si mama after four (4) looong years. Punta daw kaming Disney Land. YEHEY! (Hmm, sa'n ba banda ang NASA?)
Pero s'yempre ang importante talaga dito eh 'yung training. Na puwede kong masabing, "Umm, I had my on-the-job-training at NYC." Di ba? Maangas. Hek-hek.
Postscript: Shet, sana matuloy. It's not too much to ask.
Talaga naman e. I'm not ruling out the possibility but I have yet to see or sense them. Kine-claim naman nila na nagpaparamdam daw ang ghosts e, edi let me feel their presence first.
Sabi nu'ng iba kong kakilala, kesyo wala daw ako du'n, kesyo di ko daw nakita 'yung nakita nila, blah-blah-blah. Pero hindi convincing ang pags-story tell nila e. Dahil kung ako nakakita ng multo, hindi ko lang ik-kwento 'yon sa mga kaibigan ko, i-b-broadcast ko 'yon sa buong mundo. Kahit isipin pa nilang sira-ulo ako.
At as long as wala pa sa kanila ang gano'n ang reaction, wala, guni-guni lang nila 'yon. Kaya nga ang lagi kong tanong kaagad, "Nakita mo ba as in harap-harapan?" Lagi, hindi ang sagot nila. Then don't call me mayabang, for Pete's sake, I'm just being rational.
BTW, pag ako nag-kwentong nakakita ng multo, matakot sila, for in that case, I really will have seen one.






























