September 20, 2006

The Hiatus

Sabi ko du'n sa ipinost kong post-it (kunwa) sa upper right corner nitong website, August 25 (or earlier) babalik na ako. Well, masyadong napa-aga 'yung estimate ko, so sorry. Ito pang ipo-post ko medyo boring dahil ik-kwento ko lang naman 'yung reason kung ba't ako nawala nang pagkatagal-tagal.

Reason 1: Thesis

Ang totoo, lahat kaming nag-thesis, nagpagawa sa programmer. Kaso ang nangyari, 'yung design, auxiliary functions at ibang part ng main function ng Inventory System namin, ako ang nag-program. Sobrang nerve, mind, heart or [kung ano pang part ng katawan]-racking. In other words, nagpatulong lang ako mag-program at hindi nagpa-program (pero in-intend ko talagang ipa-program).

We got a grade of 96%. Hindi kami thesis awardee (4 groups sa amin ang nag-thesis awardee) pero hindi naman ako nalungkot. I mean, at least, halos kalahati ng system namin, ako ang gumawa. Pinagpaguran at pinagpuyatan ko 'yung 96% na grade so satisfied na din ako sa result. Ang dami ko pang natutunan sa paggamit ng Visual Basic so di talaga sayang.

Reason 2: @rte Attack! Contest

A week before our thesis defense, binigyan ako ng maliit na poster ng orgmate ko (na na-meet ko sa LRT station). Mag-join daw kami sa @rte Attack! Contest, sponsored ng UP Cursor. It's a digital art contest na Photoshop dapat ang gamit.

Hindi ako marunong mag-drawing sa Photoshop pero sabi ko, try ko. Ayon, nilakasan ko 'yung loob ko kahit nu'ng pagkita ko sa mga past winners and finalists, halos mag-backout na ako dahil ang gagaling talaga nila. Parang, heck, ano laban ko sa mga gano'ng klaseng digital art?

Pero ayon, naging isa pa ako sa 7 finalists. Sobrang naligayahan ako nu'ng natanggap ko 'yung e-mail nila kasi nasa kalagitnaan ako ng pagpro-program (sobrang kalungkutan) no'n. Nandito 'yung isinumbit kong art. Mukhang mabilis ko lang ginawa pero inabot ako ng 1 day and 2 nights d'yan.

Reason 3: Nintendo DS

Nu'ng nag-birthday ako last August (thanks pala sa greetings), Nintendo DS 'yung pinabili kong gift (na ako actually 'yung bumili). May kina-meet pa ako no'ng lalaki dahil sa kanya ako bumili ng games (at nagpasama na din para makakuha ng good deal sa Greenhills).

Pagkabili ko, nalimutan ko na ang internet world. Sobrang addicting, lalo na 'yung Phoenix Wright. Lawyer kasi ang role ko do'n sa game na 'yon at ang sarap mag-imbestiga at maghanap ng butas sa statements ng witnesses. Basta, para talaga akong detective/lawyer.

Ze End.

Iyang mga naka-enumerate sa taas lang ang reasons kung ba't ako ngayon lang nakapag-update. Next update ko (frequently na naman akong makakapag-blog), babalik na ako sa regular programming.

Mini bilyaran


May iniisip.

Ang website na ito ay naglalaman ng mga kuro-kuro, pananaw sa buhay, kwentong (may kwenta at wala), at kung ano pa mang bagay na maisip ng nilalang na nasa larawan. Kung hindi ka maka-relate, edi hindi.

Name:

E-mail Add:

Question:


Easy Online Form Builder

August 2006
10 Latest Entries

o The Hiatus

5 Latest Commentors

Quotations


"Don't get discouraged; it is often the last key in the bunch that opens the lock."
- ?

SINK #57:
Sy-a Din Pala

-> Si Henry Sy din pala ang may-ari ng Podium. (Sorry, wala akong mai-share na matino sa ngayon, need to reboot this brain.)

Magbilang tayo...
Isa akong normal na taong
kumpleto naman ang parte ng katawan: tatlong mata, isang ilong, kalahating bibig, apat na tenga, walong kamay at isang paa (sobra-sobra pa nga e). Less?

NEW POLL!
Do you look better on photos or mirrors?
I look better on mirrors, I wonder why my photos are so ugly.
I look better on photos, e.g. my zits are not that evident.
I look gorge-ous on both.
I am ugly. It doesn't matter on what surface I see it.
Current Poll Results
Previous Poll(s) Results

Cut-rate Hosting
Join the campaign
Get FireFox
Get Firefox!
Pinoy Top 100
pinoy
Pinoy Top Sites
Support Creationism
Make it happen
Banner

My Library Thing - list of books
Lower Higher - short story
My Deviant Art - artworks
Forboding Plains - short novel (?!)
Ikaw Pa Din Ang Iibigin Ko - piano record
If We Hold On Together - piano record
Weekend in New England - piano record


MSN/Yahoo Messenger:
ava_square
E-mail:
skwayred@gmail.com
ICQ#:
225525350
PEX identity:
my_identity

RSS feed URL

Statistical Report Provider

Free Website Counters
nandito ang nilalang

ME dot INSIDE

Copyright © 2004-2005
by skwayred
Online since
March 26, 2004
10,000 hits on
May 26, 2005
20,000 hits on
April 10, 2006
All rights reserved.